BREAKING NEWS

Toni Gonzaga nami-miss nga bang mag-host ng PBB o wapakels na?!

Toni Gonzaga nami-miss nga bang mag-host ng PBB o wapakels na?!
Toni Gonzaga

BAHAGI na ng showbiz career ni Toni Gonzaga ang pagiging host ng iconic reality show ng ABS-CBN na "Pinoy Big Brother."

In fairness, talaga namang nagmarka ang TV host-actress sa pagho-host ng "PBB" sa loob ng napakahabang panahon.

Napag-usapan ang tungkol sa "PBB" sa latest vlog ng Kapamilya Pambansang Host na si Luis Manzano kung saan nag-collab nga sila ng kanyang kaibigan na si Toni.

Natanong ni Luis ang wifey ni Direk Paul Soriano kung ano ang pinakanami-miss niya sa "PBB".

"Mariel (Padilla), Bianca (Gonzalez), everyone. But you know kapag tinatanong 'yang miss, parang ganito 'yan eh, tatanungin kita, nami-miss mo ba ang mga ex mo? 

"Bago ko sagutin 'yan, nami-miss mo ba?" balik-tanong ni Toni na sinagot ni Luis ng, "Alam mo may uuwian akong pamilya." 

Sey ni Toni, "So 'yun ang sinasabi ko. When you ask that question, hindi mo siya masasagot na 'ah nami-miss ko 'yung ganoon,' because that was a season in a time of your life. 

"That when you look back, you are happy. You gave it your all, you gave your best, you gave your 100%. So you look at that season with no regrets and you look at that season na parang naibigay mo na lahat," paliwanag ng aktres.

Forever daw siyang magiging grateful sa more than 15 years niya bilang host ng "PBB" at habangbuhay din niya itong ite-treasure sa buhay niya.

"It was a season in my life and I was grateful for the 16, 17 years na inilaan ko sa 'PBB.' That was a special time in my life that will always hold a special memory in my heart.

"Kasi it also made me the host that I am today and I learned a lot from that era," dugtong pa niya.

Nagpaalam si Toni sa "PBB" noong February, 2022, sa gitna ng kontrobersya ng pagsuporta umano niya sa mga taong nag-push sa pagpapasara sa kanyang home network na ABS-CBN.

The post Toni Gonzaga nami-miss nga bang mag-host ng PBB o wapakels na?! appeared first on Bandera.


Toni Gonzaga nami-miss nga bang mag-host ng PBB o wapakels na?! Toni Gonzaga nami-miss nga bang mag-host ng PBB o wapakels na?! Reviewed by pinoyako on February 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close