Aira Bermudez kumikita ng P150-P200 kada salang noon bilang SexBomb

NADISKUBRE ang original member ng SexBomb Dancers na si Aira Bermudez sa isang interbarangay dance contest noong 15-anyos pa lamang siya.
Mismong ang dating talent manager at veteran dancer na si Joy Cancio ang naka-discover siya na siyang nagbukas ng pintuan para makapasok siya sa entertainment industry.
Ayon kay Aira, hindi niya in-expect na sa pagsali at paghataw niya sa nga dance contest sa barangay ay mapapabilang siya sa Sexbomb Girls.
Sa panayam ng "i-Listen with Kara David" vodcast ay naikuwento ni Aira na nag-start siya sa mga dance competition ng mga interbarangay noong 11 o 12 years old pa lamang siya.
Natatandaan pa niya na palagi niyang kasama that time ang mga kaibigan niyang beki na siyang umiitsa sa kanya sa ere.
"Tapos, nakakatawa 'yung simpleng kita mo nanalo ka ng P150. Diretso namin nu'ng mama ko noon, tapsilugan.
"Kumakain kami together. 'Yung extra bibigay ko pangkain namin. Dumadayo kami ng iba-ibang barangay para lang makasali at kumita," pagbabalik-tanaw ni Aira.
Tuwang-tuwa rin daw siya kapag nananalo ang tropa nila bilang best group. At one time ay nag-win pa siya ng special award bilang "Face of the Night".
"Parang 'yun 'yung naging start. 'Ay, parang ito 'yung calling ko.' Ang saya. Sayaw lang ako nang sayaw. Tapos, kakasayaw lang namin, kaka-join lang namin ng contest nakaabot na ako ng ibang channel, sumasayaw na ako doon.
"Nag-contest na ako. Parang, 'ay, ibang level na ito!'" pagbabahagi pa ng OG SexBomb Dancers.
Sa edad na 15, nadiskubre nga siya ni Joy Cancio sa isang interbarangay dance contest na siyang naging hudyat nang pagpasok niya sa showbiz.
"Sa interbarangay ng Parañaque. Nag-join kami. Ate Joy was one of the judges. And then, si Ms. Joy noon nakita niya ako.
"Second place kami noon. Tapos, si Kuya JV (nakasama nila noon), tinuturo ako, 'Puwede 'yun, puwede 'yun.'
"Tinawag niya ako (ni Joy). Sabi niya, 'Halika,' tapos, lumapit ako. 'Gusto mo mag-SexBomb? 'Ano po 'yun?' sabi ko pa," sey ni Aira.
Hindi pa raw kasi niya kilala noon ang SexBomb dahil bago pa lang ang grupo. Ang tawag pa nga noon sa SB ay "Chicken Sandwich Dancers."
Pagpapatuloy ni Aira, "Si Ate Joy, since wala pa siya nu'n sa studio, pinag-audition pa nga ako nu'ng assistant niya. Nakita nila, 'Ay, ang easy nu'ng sayo.'
"Kumbaga, ang bilis kong i-pick up 'yung sayaw. Siguro, simula bata talaga ako, 'yung pick up ko, parang naa-absorb ko agad siya," aniya pa.
Hanggang sa natanggap na nga siya at pinapunta sa studio kung saan nagre-rehearse ang iconic all-female group.
"Si Ate Joy, doon unang nagpasukan 'yung original SexBomb. Wow, talagang na-amaze ako. Kasi pasok si Kikay (Baquiran), siya 'yung leader ng Sexbomb dati. Si Pepay, huling-huling si Rochelle (Pangilinan). 'Ay sila pala 'yun.' Nakatingin lang ako," pag-alala pa ni SB Aira.
"'Uy, may bago tayo.' Nilapitan ako, sumasayaw, para ka lang nene, parang pinabili ka lang ng suka ng nanay mo," dagdag pang paglalarawan ni Aira sa sarili noon.
Naikuwento rin niya na P150 hanggang P200 ang talent fee niya kada salang sa stage, na malaking halaga na raw noong panahong yun.
"Nakatikim ako ng unang suweldo, ipinakita ko sa mama ko, 'Mama, may sinusuweldo na ako. Tingnan mo.' Alam mo, 'yung sobrang excitement namin. Kaya du'n ako nag-start na parang, Wow! Galing!
"So, hindi ko pa na-feel na parang 'yun pala 'yung ganun ako magiging kagaling sumayaw.
"Pero si Joy Cancio po talaga ang nag-open ang door parang gumaling talaga ako. At masabi ko sa sarili ko na ito talaga 'yung career ko sa buhay ko," chika pa ni SexBomb Aira.
The post Aira Bermudez kumikita ng P150-P200 kada salang noon bilang SexBomb appeared first on Bandera.

No comments: