Donny Pangilinan blessing kay Belle Mariano: He’s really a special person

SIGURADONG ngayon pa lang ay abangers na ang mga fans sa bagong pelikula nina Belle Mariano at Donny Pangilinan, ang "Tayo Sa Wakas."
Miss na miss na ng DonBelle fans na muling mapanood sa big screen ang kanilang favorite loveteam makalipas ang mahaba-habang panahon.
Nakachikahan ng BANDERA at ilang piling members ng entertainment media sa ginanap na Star Magic Spotlight Presscon kamakailan at dito nga siya natanong tungkol sa reunion project nila ni Donny.
"Nandito pa rin kami, like sa trailer, DonBelle has always been here," sey ng aktres.
Siyempre, curious pa rin ang mga fans kung mauuwi nga kaya sa isang serious relationship ang kanilang espesyal na pagkakaibigan.
"For me, Donny is really a special person, and I continue to say that he is such a blessing to me.
"He is really special…someone close to my heart. That's all I can say," ani Belle.
Aminado ang dalaga na parati naman daw siyang kinikilig kapag nagkakatrabaho sila ni Donny, "Feeling ko to be an effective actor, you really have to fall in love with whoever…you really have to fall in love with the person you're supposed to fall in love with in the story.
"Kinikilig talaga ako whenever I do scenes with them. It's really genuine," chika pa ni Belle.
Naniniwala rin daw siya na ang pagkikipagrelasyon ay nasa tamang panahon, "If it's God's time, it's God's time. If it's something meant for me, darating at darating naman po 'yan. 'Di natin alam.
"We never know kung sinong kakatok sa pintuan or kung sinong nasa loob," saad pa ng dalaga.
The post Donny Pangilinan blessing kay Belle Mariano: He's really a special person appeared first on Bandera.

No comments: