Diokno humiling na ideklarang regular national holiday ang Feb. 26

NAGHAIN ng panukalang-batas si Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno para maideklarang national regular holiday ang February 26, kasabay ng paggunita sa 1986 EDSA People Power Revolution.
Idiniin ni Diokno na higit pa sa petsa sa kasaysayan, ginugunita din sa naturang petsa ang pagkakaisa ng mga Pinoy para sa pagbabalik ng demokrasya.
Pinuna ng mambabatas na nababawasan ang pagpapahalaga sa petsa sa pabago-bagong deklarasyon dahil, aniya, noong 2023 ito ay non-working holiday, noong 2024 ay regular holiday, at noong nakaraang taon naman ay special working holiday gayundin ngayong taon.
Baka Bet Mo: Chel Diokno sa mga CHELdren: May mas malakas tayong boses sa Kongreso
Nakapaloob din sa House Bill 7911 ang paghihikayat sa lahat ng ahensya at tanggapan ng gobyerno, mga paaralan at civil society groups na magdaos ng mga programa upang bigyang halaga ang pagwawakas sa administrasyong Marcos Sr.
Sinabi pa ni Diokno na pangungunahan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang mga pagdiriwang.
The post Diokno humiling na ideklarang regular national holiday ang Feb. 26 appeared first on Bandera.

No comments: