BLACKPINK 1st-ever artist sa mundo na may 100-M YouTube subscribers!

ISANG makasaysayang tagumpay na naman ang ibinandera ng global K-pop queens na BLACKPINK!
Sila kasi ang kauna-unahang artist na pumalo sa 100 million subscribers sa YouTube.
Hindi na nagpahuli ang grupo sa pagpapasalamat sa kanilang solid fandom na BLINKs sa buong mundo.
Sa kanilang Facebook post, todo-pusong mensahe ang ibinahagi ng apat na miyembro.
"BLACKPINK HITS 100 MILLION SUBSCRIBERS ON YouTube. BLINKs worldwide, thank you so much!" sey ng girl group sa Facebook post.
Baka Bet Mo: Lisa ng Blackpink may pasabog, ibinandera na ang 1st full-length album
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FBLACKPINKOFFICIAL%2Fposts%2Fpfbid0foT66mNtLaoBYE6EkQUFtTQE1uWz2e3zqzwUvrujtTgK3ZjANtdLfLkLbcVsEWiJl&show_text=true&width=500" width="500" height="665" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe> Bilang pagkilala sa kanilang makasaysayang achievement, ginawaran ng YouTube ang grupo ng isang custom Red Diamond Creator Award, isang espesyal at bihirang parangal na simbolo ng kanilang napakalaking impluwensya sa digital world.
Sa opisyal na blog ng platform, pinuri nito ang walang kapantay na journey ng girl group sa global scene.
"It is a privilege to witness BLACKPINK's unprecedented journey on YouTube as they transcend borders with their music. We are proud to support artists in connecting with audiences around the world with our global reach and building successful careers with our twin engine of ads and subscriptions," sambit ng YouTube sa official blog.
Hindi lang subscribers ang kanilang pinasabog dahil ayon pa sa YouTube, may siyam na entries ang grupo sa kanilang "1 Billion Views Club," patunay na hit after hit ang hatid ng mga kanta ng BLACKPINK.
Bukod dito, kinilala rin ng platform kung paano patuloy na nagpi-pioneer ang grupo sa pakikipag-connect sa kanilang fans.
Matatandaang noong 2021, nakipagsanib-pwersa sila sa YouTube para sa kauna-unahan nilang livestream concert na tinawag na "THE SHOW."
Noong 2022 naman, pinasayaw nila ang mundo sa #PinkVenomChallenge kung saan todo-flex ang BLINKs ng kani-kanilang dance covers.
Dagdag pa rito, tatlo sa top 10 all-time 24-hour music debuts ng YouTube ay pag-aari rin ng BLACKPINK.
At hindi pa rito nagtatapos ang pasabog, lalo na't nakatakdang ilabas ng grupo ang kanilang highly-anticipated third extended play (EP) na pinamagatang "Deadline" sa February 27.
Mas lalo pang pina-excite ang fans nang i-announce nila ang tracklist nito na kinabibilangan ng "JUMP," "GO," "Me and my," "Champion," at "Fxxxboy."
Katatapos lang din ng kanilang "Deadline" world tour na umikot sa 16 cities.
Binubuo nina Jisoo, Jennie, Rosé, at Lisa, unang nag-debut ang BLACKPINK noong Agosto 2016 sa ilalim ng YG Entertainment.
The post BLACKPINK 1st-ever artist sa mundo na may 100-M YouTube subscribers! appeared first on Bandera.

No comments: