Dingdong Dantes sa netizen na nagkalat ng fake news: Apology accepted!

"APOLOGY accepted," ito ang sagot ni Dingdong Dantes nang humingi ng sorry ang isang netizen matapos magpakalat ng fake quote kaugnay kay Vice President Sara Duterte.
Magugunitang agad itinanggi ng batikang aktor na may pahayag siyang sinusuportahan ang pagtakbo sa pagkapangulo ni VP Sara sa susunod na eleksyon.
Ang sabi pa nga sa kumalat na pekeng statement: "Dingdong Dantes said, 'Nakakatakot 'pag nanalo si VP Sara. Nakikita ko sa kanya ang tapang, talino, at abilidad na may kakayahang mamuno gaya ng kanyang ama."
Agad namang nilinaw ni Dingdong na hindi sa kanya nanggaling ang naturang statement.
Baka Bet Mo: Coco Martin, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Bubble Gang wagi sa PAFTA
Anyway, kalakip ng pagpapatawad ng celebrity dad ay nagpaalala siya sa publiko tungkol sa pagiging mapanuri sa panahon ng social media.
"Nawa'y maging mas mapanuri po tayong lahat, lalo na sa misinformation at disinformation… at sa bawat diskurso, piliin sana natin ang respeto sa kapwa Pilipino. Peace!" sey ni Dingdong.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fdingdongdantesofficial%2Fposts%2Fpfbid0Zrg39i3HdxhEixJW5SML7tFP4spFtKHZbiYugdFunWwmS62cw72cmkRamij1HB5xl&show_text=true&width=500" width="500" height="474" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe> Sa comment section, umani ng papuri ang aktor mula sa kanyang fans dahil sa naging kalmado na tugon niya sa pekeng balita.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
"Sana laging totoo 'yung ipo-post madalas nakakadisgrasya ng ibang tao ang maling impormasyon [smiling face iwth hearts emoji]."
"A sincere simple apology lang naman talaga people make mistakes unintentionally, ng importante he apologize."
"Napakabuti ni Mr Dingdong Dantes [red heart emoji] Lesson learned sa mga content creator na mahilig sa tsismis ng kapwa para lang pagkakakitaan."
"'Yan ang dapat. Magpasaya na lang tayo ng kapwa natin. Just be happy always. Iisipin mabuti kung makakasakit tayo o hindi bago tayo magbitaw ng mga salita."
The post Dingdong Dantes sa netizen na nagkalat ng fake news: Apology accepted! appeared first on Bandera.

No comments: