BREAKING NEWS

Boss Toyo inilantad tunay na ugali ni Willie: Sobrang nagkamali ako! 

Boss Toyo inilantad tunay na ugali ni Willie: Sobrang nagkamali ako! 
Willie Revillame at Boss Toyo

AMINADO ang content creator at negosyanteng si Boss Toyo na nagkamali siya sa pagkakakilala kay Willie Revillame.

Nagkaroon ng pagkakataon ang vlogger at memorabilia collector na makasama at makilala si Willie nitong mga nagdaang araw.

Sa kanyang Facebook page, nag-share si Boss Toyo ng mga litrato nila ng veteran TV host kalakip ang kanyang pagpapatotoo kung ano talaga ang tunay na ugali ni Willie.

"Sobrang nagkamali ako sa taong to. Dahil sa naniwala ako sa mga nakikita ko sa social media tungkol ke kuya Wil," ang simulang pagbabahagi ni Bosa Toyo.

Pagpapatuloy niya, "Pero nu'ng nakasama ko siya ng 3 araw lahat nakita ko, narinig ko ang mga kuwento ng buhay niya hindi mula sa kanya kundi sa mga taong nakapaligid sa kanya.

"Sa 3 araw dun ko din nakita kung gano siya katotoong tao. Yung namimigay ng walang kamera dahil sarili niyang pera kaya sabi niya hindi na nya need na ikamera o ipasigawan ang pagtulong.

"Yung napapanuod sa telebisyon na pamimigay dahil un ay trabaho at kelangan ng sponsors pero pag sarili niya wlang kamera walang khit ano," lahad ni Boss Toyo.

Dugtong pa ng vlogger, "Yung kwento ng kanyang tagumpay na walang sinagasaan at walang halong anomalya kaya malaya niyang nabibili ang mga gusto niya.

"Nagtanong ako sa knya tungkol pano niya nahahandle un mga ibang tao na nagbabash sa knya sabi nya unang una hindi ako nagsosocial media.

"Pangalawa ang katotohanan na kahit anong gawin mo sa mundo eh me masasabi at masasabi pa din sila sayo kaya kung ano nagpapasaya sayo at sa ibang tao un ang gawin mo.

"Oo mejo me pag kaistrkto siya pagdating sa trabaho dahil mas mainaman daw yun dahil disipilina ang kaniyang gustong iparating sa lahat ng tao na nakapligid sa kniya lalo na pagdating sa trabaho," pahayag pa ng negosyante.

Ang sabi raw sa kanya ni Willie, "Isa pa Tao lang ako Toyo marami tayong pagkakamali pero hindi ibig sabhin nun eh masama na dahil ang buhay ay isang malaking paaralan para sa lahat at habang nararansan mo ang lahat ay natututo ka."

Pinahanga raw talaga siya ng taong dati at hindi naman niya hinahangaan, "Namali ako at tinanggap niya yun. Salamat sa mga turo kuya wil!!

"Salamat sa pagbibigay na pagkakataon na makakwentuhan ka. Aantayin ko na makasama ko kayo sa isang entablado," ang buong mensahe ni Boss Toyo patungkol kay Willie.

The post Boss Toyo inilantad tunay na ugali ni Willie: Sobrang nagkamali ako!  appeared first on Bandera.


Boss Toyo inilantad tunay na ugali ni Willie: Sobrang nagkamali ako!  Boss Toyo inilantad tunay na ugali ni Willie: Sobrang nagkamali ako!  Reviewed by pinoyako on February 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close