ALAMIN: Paano protektahan ang sarili mula sa ashfall?

NAGKAROON ng moderately explosive eruption ang Bulkang Kanlaon at nagbuga ito ng abo na patuloy pa rin, ayon sa huling ulat ng PHIVOLCS sa mga karatig na lugar.
Ang abo ng bulkan ay hindi lang nakakainis sa mata at ilong, mapanganib din sa kalusugan!
Tandaan na ang ashfall ay hindi biro, na kahit maliit ang abo na nakakalat ay pwede itong magdulot ng irritation at problema sa kalusugan kung hindi maiiwasan.
Kaya't paalala ng Department of Health (DOH), dapat maging handa at protektado ang bawat isa.
Baka Bet Mo: Will Ashley pinapatanggal sa 'The Secrets of Hotel 88', anyare?
Huwag mag-panic, pero dapat mag-ingat at sundin ang ilang simpleng health tips:
Magsuot ng mask o basang tela
Kung may N95 mask, mas mainam!
Nakakatulong ito salain ang maliliit na particles na pwedeng magdulot ng iritasyon sa ilong, lalamunan, at baga.
Iwasan ang Permanent Danger Zone ng bulkan
Dito pinakamataas ang konsentrasyon ng nakalalasong usok at abo.
Mas safe kung manatili sa ligtas na lugar.
Isara ang mga pinto at bintana
Takpan ang mga siwang gamit ang basang tela para hindi makapasok ang abo sa loob ng bahay.
Uminom ng maraming tubig
Panatilihing hydrated ang katawan para mabawasan ang iritasyon sa lalamunan, bibig, at baga.
Maging alerto sa balita
Antabayanan ang mga abiso mula sa PHIVOLCS o sa inyong lokal na pamahalaan.
Importanteng alam ang pinakabagong update kung kailangan nang lumikas o maghanda.
The post ALAMIN: Paano protektahan ang sarili mula sa ashfall? appeared first on Bandera.

No comments: