Vic Sotto, Pauleen Luna 10 years na, nag-renew ng vows: Sealed with a kiss!

HINDI lang basta selebrasyon, isang heartwarming milestone para kina Vic Sotto at Pauleen Luna ang kanilang 10th wedding anniversary!
Kaya naman, nag-renew sila ng kanilang wedding vows kasama ang pamliya at malalapit na kaibigan.
Sa Facebook page ng TVJ ibinandera ang ilang litratong kuha sa espesyal na okasyon noong Biyernes, January 30.
Sa nasabing selebrasyon, nagniningning si Pauleen sa kanyang strapless white wedding gown, habang si Bossing Vic naman ay nagpakitang-gilas sa kanyang maroon plaid suit.
Baka Bet Mo: Vic Sotto wala pang maintenance sa edad 70: Good health is a gift
"Sealed with a kiss. Bossing and Pauleen's renewal of vows. Happy wedding anniversary Bossing and Pauleen," sey sa caption ng post, kasabay ng mga cute at touching na litrato.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Featbulagatvjofficial%2Fposts%2Fpfbid02sPJBA4n7D719XELb624HqVuXnqrmiUspmiytdP3kiNM5uUqUEhueU9xfpfxr9UCFl&show_text=true&width=500" width="500" height="250" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe> Hindi rin nagpahuli ang kanilang mga anak!
Ang kanilang dalawang princess na sina Tali at Thia ang nagsilbing flower girls, habang dumalo rin ang mga anak ni Vic mula sa kanyang dating partners na sina Vico, Oyo, Danica, at Paulina.
Kasama rin sa pagdiriwang ang kanilang "Eat Bulaga" family na sina Joey de Leon, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, Allan K, Ryzza Mae Dizon, Atasha Muhlach, at marami pang iba.
Kung matatandaan, unang nagpakasal ang dalawa sa isang intimate church wedding noong January 30, 2016.
Taong 2014 naman nang maging public ang relasyon nina Pauleen at Bossing Vic makalipas ang tatlong taon ng kanilang pagde-date.
Ang mag-asawa ay may dalawang anak: isinilang si Tali noong 2017 at ang pangalawa noong 2024.
Sa isang interview noon, ibinahagi ni Vic ang kanyang hangarin na maging mas present na ama sa kanyang mga batang anak, isang bagay na hindi niya ganap na nagawa sa kanyang mga anak mula sa nakaraang relasyon.
The post Vic Sotto, Pauleen Luna 10 years na, nag-renew ng vows: Sealed with a kiss! appeared first on Bandera.

No comments: