Samantha Panlilio mariing itinanggi ang pag-torture sa driver; IG naka-off na

NAGLABAS na rin ng pahayag si Samantha Panlilio laban sa mga alegasyong pinagtulungan nilang bugbugin umano ang driver ni Rhian Ramos.
Batay sa reklamo, nagsumite si alyas Totoy ng pormal na sumbong sa NBI noong January 28, kung saan inakusahan niya sina Michelle Dee, Rhian, Sam, at ilang bodyguards ng umano'y nang-"torture" sa kanya habang nasa condominium ng kanyang employer sa Makati City mula January 17 to 19.
Sinasabi ng driver na siya ay sinaktan dahil umano sa pagkawala ng film roll ni Dee na naglalaman ng sensitibong mga larawan.
Pero tulad nina Michelle at Rhian, mariing itinanggi ni Samantha ang akusasyon sa pamamagitan ng kanyang mga abogado:
Baka Bet Mo: CCTV sa condo nina Michelle Dee at Rhian Ramos sisilipin na ng NBI
"Our client has not read the Complaint yet but she is confident that, after due investigation, it will be dismissed for being a pure fabrication.
"Records of the Makati City Police would show that Mr. Bonifacio Baro was earlier arrested on Jan 19, 2026 for Qualified Theft charges and was detained until Jan 22, 2026. While the charges were dismissed without prejudice, the same had been refiled.
"Our client will coordinate with the relevant authorities to clear her name."
Napansin din ng netizens na naka-off na ang comments section sa Instagram account ng beuaty queen.
Ang latest post ni Sam sa Instagram ay noong January 17 pa, na tampok ang ilan sa kanyang 30th birthday celebration na kasama sina Michelle at Rhian.
Samantala, nanawagan ang abogado nina Michelle at Rhian na si Maggie Abraham-Garduque sa publiko na huwag magpadalos-dalos sa paghuhusga.
"Sana let's allow the [National Bureau of Investigation] to do the investigation. Let us not make prejudgments on this," sey ng legal counsel.
Aniya pa, "We'll do our very best to be able to show or prove that hindi totoo itong mga allegations na ito."
The post Samantha Panlilio mariing itinanggi ang pag-torture sa driver; IG naka-off na appeared first on Bandera.

No comments: