BREAKING NEWS

Ria Atayde hindi alam ang naging tensyon nina John Lloyd, Robi sa kasal?

Ria Atayde hindi alam ang naging tensyon nina John Lloyd, Robi sa kasal?
Jhon Lloyd Cruz, Ria and Zanjoe Marudo, Robi Domingo

MAY bagong update tungkol sa chikang muntik nang magsuntukan umano sina Robi Domingo at John Lloyd Cruz sa reception ng kasal nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde noong December 23.

Ayon sa source ng ABS-CBN News, nangyari umano ang confrontation sa afterparty at inilarawan pa itong, "it was quite a scene." 

Nabanggit din ng source na tinaasan ng boses ni John Lloyd si Robi.

Narinig daw ito ng ilang bisita at may ilan pang kinailangan pang makialam upang ma-de-escalate ang tensyon. 

Baka Bet Mo: Ria Atayde feeling lucky sa pagiging hands-on tatay ni Zanjoe Marudo

Gayunpaman, sinabi rin na hindi naman na-offend ang bagong kasal sa tanong ni Robi kay Zanjoe at hindi nila ito pinalaki.

Nakausap ng nasabing media outlet si Ria sa isa sa mga special screenings ng MMFF at diyan siya diretsahang tinanong tungkol sa naulat na komprontasyon.

Ang sagot niya, "If something happened between them, they kept it away from me."

"It wasn't something that disrupted the event or anything, it went very smoothly. It was a beautiful night," sey pa niya.

Pinasalamatan rin ng aktres ang kanilang mga bisita sa pakikipagtulungan upang mapanatiling pribado ang event at itago ang kanilang cellphones.

"It was what we wanted from the start. It was non-negotiable to have a party like that. Sometime you watch SDE (same day edit videos), and you see everybody's phones are up. Iba kasi 'yung feeling na you're all there enjoying the moment," dagdag ni Ria.

Dagdag pa niya, "Our wedding was intimate. It had our friends and families, were so grateful that they all showed up for us."

"It was just a nice celebration of our love, a nice celebration of everyone who has been a part of our story as a couple," aniya pa.

Magugunitang naging usap-usapan ang ibinunyag ng showbiz insider na si Ogie Diaz na sinabing muntik nang magsuntukan sina Robi at John Lloyd.

"Base sa nakakita ay nag-aabang lang si Robi kung uundayan siya ng suntok ni John Lloyd pero hindi naman nangyari kasi napakiusapan na ibigay kina Zanjoe at Ria 'yung moment na 'yun," kwento ni Ogie sa kanyang YouTube vlog.

Ayon sa co-hosts ni Ogie at iba pang nakasaksi, baka nakainom at mukhang lasing umano si Lloydie nu'ng gabing 'yun.

As of this writing, wala pang pahayag ang dalawang aktor upang linawin kung ano ang tunay na nangyari.

The post Ria Atayde hindi alam ang naging tensyon nina John Lloyd, Robi sa kasal? appeared first on Bandera.


Ria Atayde hindi alam ang naging tensyon nina John Lloyd, Robi sa kasal? Ria Atayde hindi alam ang naging tensyon nina John Lloyd, Robi sa kasal? Reviewed by pinoyako on January 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close