Rhen Escaño nagsalita na, never nag-cheat sa dating dyowa: Pa-victim ka pa rin?

ITINANGGI ng VivaOne actress at model na si Rhen Escaño ang ibinabatong cheating allegation laban sa kanya.
Sa pamamagitan ng isang Instagram story nitong Huwebes, January 22, inilabas ng aktres ang kanyang saloobin hinggil sa naturang isyu ng panloloko sa dating karelasyon.
"He made her the villain in his story. She stayed quiet for so long to save him. For years, she chose silence to protect his name even if it cost her own. Pero 2026 na, pa-victim ka pa rin?" saad ni Rhen.
Paglilinaw pa ng aktres, kailanman ay hindi siya nagloko sa dating nakarelasyon at walang anumang kapatawaran ang ganoong uri ng manipulasyon.
Baka Bet Mo: Rhen Escaño umaming may dyowang taga-showbiz, pero ayaw pangalanan
"Once and for all, let me get straight to the point. I NEVER CHEATED ON HIM. Oh, the danger of a one-sided story. Using someone in your 'life story' episode to sell lies, play the victim, and damage another person's career crosses a line. That is not storytelling, it's cruelty. That kind of manipulation is unforgivable," sey pa ni Rhen.
Bukod pa rito ay nagpaabot rin siya ng mensahe sa mga taong naniniwala sa mga "one-sided story".
"And to those choosing to believe only one side: if you can't seek the truth, if you can't be fair, at least be kind with your words," sabi pa ni Rhen.
Marami naman sa mga netizens ang na-curious kung sinuman ang pinatutungkulan ng aktres sa kanyang naturang post.
Napag-alaman nga ng mga ito na nagkaroon ng relasyon si Rhen sa Kapuso actor na si Kokoy de Santos na tumagal rin ng ilang taon hanggang sa tuluyan itong nagtapos noong 2023.
Samantala, lumabas ang pahayag ni Rhen matapos muling umere ang istorya ng buhay ni Kokoy sa GMA Network drama anthology na "Magpakailanman," at kasama rito ang umano'y panloloko sa kanya ng dating kasintahan na hindi naman pinangalanan.
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa naglalabas ng anumang pahayag si
The post Rhen Escaño nagsalita na, never nag-cheat sa dating dyowa: Pa-victim ka pa rin? appeared first on Bandera.

No comments: