BREAKING NEWS

Jinggoy Estrada: P10-M pabuya sa tip kontra smugglers, tax evaders

Regulated and Free Parking Bill isinulong ni Jinggoy sa Senado

IPINANUKALA ni Senador Jinggoy Estrada na madagdagan ang ibinibigay na pabuya sa mga nagbibigay ng impormasyon ukol sa hindi tamang pagbabayad ng buwis at smuggling.

Sa inihain niyang Senate Bill No. 1011, P10 milyon o 10% ng kabuuang halaga ng makokolektang buwis ang nais na pabuya sa mga magbibigay ng impormasyon laban sa tax evader.

Samantala, P10 milyon o 20% ng makokolektang buwis ang ibibigay kapalit ng impormasyon  ukol sa smuggler.

Baka Bet Mo: Jinggoy Estrada: Sino talaga ang demonyong nagpasimuno nito

Naliliitan si Estrada P1 milyong pabuya na ibinibigay sa kasalukuyan sa tipster o informer ng mga kaso ng tax evasion at smuggling.

Iginiit niya na malaking tulong ang mga informer o tipster sa paghahabol ng gobyerno sa mga hindi nagbabayad ng buwis at nagpupuslit ng mga kontrabando sa bansa.

The post Jinggoy Estrada: P10-M pabuya sa tip kontra smugglers, tax evaders appeared first on Bandera.


Jinggoy Estrada: P10-M pabuya sa tip kontra smugglers, tax evaders Jinggoy Estrada: P10-M pabuya sa tip kontra smugglers, tax evaders Reviewed by pinoyako on January 23, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close