Bong Revilla humirit na ibasura ang kasong malversation

SA pagharap muli ni dating Senador Ramon "Bong" Revilla Jr., sa Sandiganbayan kanina, hiniling nito na ibasura ang kinahakaharap na kasong malversation.
Isa lamang ito sa mga inihain ni mosyon ni Revilla sa pagbasa dapat ng sakdal sa kanya sa Sandiganbayan 3rd Division.
Bunga nito, ipinagpaliban ng korte ang pagbasa ng sakdal kay Revilla hanggang sa Pebrero 9 upang pag-aralan ng mga mahistrado ang kanyang mosyon.
Binigyan ng korte ang Office of the Ombudsman ng hanggang sa Enero 28 upang magbigay ng komento sa mga inihaing mosyon ng kampo ng dating senador.
Baka Bet Mo: Bong Revilla bigong makapagpasok ng damit, gadgets sa kulungan
Unang iniharap sa korte si Revilla noong nakaraang Miyerkules makaraang sumuko sa Camp Crame ilang oras matapos ipag-utos ng Sandiganbayan ang pag-aresto sa kanya.
Walang piyansa ang kasong malversation of public funds.
Nag-ugat ang kaso sa "ghost" flood control project sa Barangay Bonzuran sa Pandi, Bulacan.
Idineklara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang naturang proyekto na nakumpleto.
Kapwa akusado ni Revilla sa kaso sina dating DPWH Bulacan 1st District Engineering Office Assistant District Engineer Brice Hernandez, Engrs. Jaypee Mendoza, R.J. Domasig, at Emelita Juat, Accountant Juanito at Cashier Christina Mae Pineda.
The post Bong Revilla humirit na ibasura ang kasong malversation appeared first on Bandera.

No comments: