BREAKING NEWS

Ralph Recto inireklamo sa Ombudsman dahil sa Philhealth fund transfer

Ralph Recto inireklamo sa Ombudsman dahil sa Philhealth fund transfer
Ralph Recto

REKLAMONG pandarambong ang isa sa mga idinulog sa Office of the Ombudsman ng grupo ng mga abogado at doktor laban kay Executive Secretary Ralph Recto at dating Philhealth President Ernesto Ledesma, Jr..

Ang asunto ay nag-ugat sa pagkakalipat ng sobrang pondo ng Philhealth sa National Treasury.

Hiniling ng mga doktor at abogado sa Ombudsman na magsagawa na ang Ombudsman ng preliminary investigation maging sa reklamo nilang technical malversation, graft at grave misconduct.

Si Recto ang kalihim ng Department of Finance nang isalin sa National Treasury ang P60 bilyong sobrang pondo ng Philhealth alinsunod sa 2024 General Appropriations Act.

Paniwala ng grupo may kapabayaan sa bahagi nina Recto at Ledesma sa katuwiran na dapat ay pinag-aralan muna nila ang mga batas kaugnay sa paglilipat ng sobrang pondo ng mga ahensya.

Idiniin nila na nilabag nina Recto Ledesma ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

The post Ralph Recto inireklamo sa Ombudsman dahil sa Philhealth fund transfer appeared first on Bandera.


Ralph Recto inireklamo sa Ombudsman dahil sa Philhealth fund transfer Ralph Recto inireklamo sa Ombudsman dahil sa Philhealth fund transfer Reviewed by pinoyako on January 14, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close