BREAKING NEWS

Robin Padilla nakiusap sa publiko na ipagdasal ang kaligtasan ni Kris Aquino 

Robin Padilla nakiusap sa publiko na ipagdasal ang kaligtasan ni Kris Aquino 
Robin Padilla at Kris Aquino

NAG-AALALA rin si Sen. Robin Padilla sa health condition ngayon ng Queen of All Media na si Kris Aquino na patuloy na nakikipaglaban sa kanyang mga karamdaman.

Personal na nanawagan sa madlang pipol ang action star at public servant na ipagdasal ang kaligtasan paggaling ng aktres at TV host matapos mabalitaan ang nangyari habang sumasailalim ito sa minor medical procedure.

Mismong si Kris ang nagbalita sa publiko sa pamamagitan ng sociaa media na tumigil ang kanyang paghinga sa loob ng dalawang minuto sa gitna ng isinagawa sa kanyang procedure. 

Sa kanyang Facebook page, nakiusap si Sen. Robin sa kanyang followers na sabay-sabay na ipagdasal ang pagbuti ng estado ng kalusugan ni Kris. 

"Patuloy natin ipagdasal ang kaligtasan ni Miss Kris Aquino," ang mababasa sa caption ng senador sa ni-repost niyang litrato ni Kris na kuha sa loob ng operating room ng ospital.

Mensahe ni Kris, "THANK YOU for continuing to pray for me to get better, for having FAITH that God will make all things possible.

"I haven't fully processed what happened, it was supposed to be a minor PICC LINE procedure BUT there was a span of time totaling almost 2 minutes when my lung stopped functioning- i stopped breathing.

"I credit my anesthesiologist, my 2 surgeons, and as soon as I awakened—the reassuring face of my rheumatologist whose concern & love I felt."

Habang nasa recovery room, na-realize raw ni Kris pati na ng bunsong anak na si Bimby, na utang na loob niya sa mga taong patuloy na nagdarasal ang kanyang buhay.

Ginamit pa niya sa kanyang caption ang ilang lyrics mula sa kanta ng The Beattles na "Let it be."

"In my post-op recovery room, it was future pediatrician/neurologist/or anesthesiologist Bimb's kiss that made me realize we owe all of you my life—utang namin na buhay pa rin ako, the Holy Spirit guided my doctors and everyone in the OR… as the song lyrics say:

"And when the night is cloudy

"There is still a light that shines on me

"Shinin' until tomorrow, let it be

"I wake up to the sound of music, Mother Mary comes to me

"Speaking words of wisdom, let it be…"

Matatandaang noong Lunes, January 12, pa sana ang medical procedure ni Kris pero hindi nga natuloy dahil biglang tumaas ang kanyang blood pressure.

"This surgery was delayed from yesterday to very soon because my BP was sky high the whole of Sunday—the culprit, my migraine.

"Thank you to my pain management doctor Henry Lu and his entire team for finding the right formula although Sunday night and yesterday I was given a pharmacy."

Natuloy ang procedure nitong January 13, "Entering the pre-OP area. Kuya was shaking and automatically grabbed Bimb's hand.

"I did something right in making sure Bimb grew up knowing he'll be responsible for his Kuya. And kuya feels secure with Bimb. Going in. #family," pahayag pa ni Kris.

The post Robin Padilla nakiusap sa publiko na ipagdasal ang kaligtasan ni Kris Aquino  appeared first on Bandera.


Robin Padilla nakiusap sa publiko na ipagdasal ang kaligtasan ni Kris Aquino  Robin Padilla nakiusap sa publiko na ipagdasal ang kaligtasan ni Kris Aquino  Reviewed by pinoyako on January 14, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close