Nico Antonio totoong abogado na matapos makapasa sa 2025 bar exams

CERTIFIED lawyer na ang magaling na character actor na si Nico Antonio matapos makapasa sa 2025 Bar Exams.
Batay sa lumabas na resulta ng Philippine Bar Examinations ngayong araw, January 7, nasa ika-375 si Nico o Jerico Alonso, sa listahan ng mga bagong abogado na nakapasa sa pagsusulit.
Baka Bet Mo: Nico Antonio walang keber sa paulit-ulit na pagganap na bading: Proud ako sa ginagawa ko
Sa official social media post ng Quantum Films, mababasa ang congratulatory message nila para kay Nico kalakip ang litrato nito.
"From Atty. Willie on screen to Atty. Nico Antonio in real life. WOW, nakaka-proud naman talaga!" ang nakalagay sa caption ng post.
Ang "Atty. Willie" na tinutukoy ng naturang film company ay ang karakter ni Nico sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 2nd Best Picture na "UnMarry" starring Angelica Panganiban and Zanjoe Marudo.
Ang Quantum Films ang nag-produce ng nasabing MMFF entry this year.
Bumaha naman ng mensahe ng pagbati sa post ng Quantum Films sa social media pati na sa personal socmed accounts ni Nico.
The post Nico Antonio totoong abogado na matapos makapasa sa 2025 bar exams appeared first on Bandera.

No comments: