Luke Espiritu nakukulangan ang 2% bawas sa VAT: Alisin nang buo

NANINIWALA ang labor lawyer na si Atty. Luke Espiritu na hindi makatutulong sa mga ordinaryong Pilipino ang panukalang bawasan ang Value-added Tax (VAT) mula 12% patungong 10%.
Sa kanyang naging panayam sa "At The Forefront" ng Bilyonaryo News Channel, iginiit niyang dapat ay tuluyan nang alisin ang VAT at ipalit ang progresibong sistema ng pagbubuwis na nakasaad sa Saligang Batas.
Lahad ni Espiritu, "Alisin na ang VAT altogether. Under the Constitution we must have a progressive system of taxation.
"Meaning to say, dapat wala tayong ganyan na taxes, we are taxing our consumption. 'Yung binibili ang tina-tax eh. It really hits hard sa mga manggagawa at mahihirap."
Baka Bet Mo: John Arcilla pumalag sa mga bumabatikos sa iboboto niyang senador
"Dapat, ang tax must be based on income. Kung mataas ang income mo, dapat mas mataas ang tax mo. That's what we call progressive taxation under the Constitution which hindi sinusunod sa atin," dagdag pa ni Espiritu.
Aniya, panandaliaang solusyon lamang ang pagbabawas ng 2% sa VAT at hindi nito nasasabog ang pinakaproblema.
"So huwag na natin i-defend ang indefensible na ang VAT may andiyan pa rin, tapos magbibigay lang tayo ng palliative na alisin natin ng 2%. Pero kahit na 2%, may 10% pa rin na babayaran ng mga maliliit na manggagawa at masang Pilipino," sabi pa ni Espiritu.
Matatandaang nauna nang iminungkahi ni Sen. Erwin Tulfo ang pagbawas ng VAT mula 12% patungong 10% upang maibsan ang epekto ng inflation at makasabay ang Pilipinas ibang bansa sa Southeast Asia sa consumption tax.
The post Luke Espiritu nakukulangan ang 2% bawas sa VAT: Alisin nang buo appeared first on Bandera.

No comments: