BREAKING NEWS

Eya Laure umaabot ng P630k ang sahod kada buwan, true kaya?

Eya Laure umaabot ng P630k ang sahod kada buwan, true kaya?

HOW true kaya ang mga kumakalat na chika sa social media na umabot na sa P630k ang matatanggap na sahod ng volleyball player na si Eya Laure?

Ito ay kaugnay sa kanyang kanyang paglipat at nakatakdang paglalaro para sa Choco Mucho Flying Titans sa nalalapit na pagbubukas ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference ngayong January 30.

Ang Flying Titans ang nagwagi na makuha ang serbisyo ni Laure na miyembro ng Alas Pilipinas Women at dating University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses team captain.

At ayon nga sa mga lumalabas na ulat ay makakakuha ang dalaga ng tatlong taong kontrata kung saan tatanggap siya ng monthly salary na P630,000.

Baka Bet Mo:

Bandera IG

Ilan pa sa mga naglaban-laban para makuha si Eya ay ang koponan ng Cignal HD Super Spikers, Capital1 Solar Spikers at ang Farm Fresh Foxies.

Ipaliwanag ni Premier Volleyball League (PVL) at Sports Vision Management President Ricky Palou na discretion ng mga kasapi ng koponan ang kanilang ibibigay na pasahod para sa bet nilang manlalaro.

"We have a minimum salary cap but no maximum cap," paliwanag ni Palou.

Matatandaang nagpa-buyout ng kanyang kontrata si Eya sa pamunuan ng dating koponan at na-disband na Chery Tiggo EV Crossovers.

Mahigit isang taon na ring hindi naglalaro ang dalaga sa liga.

Samantala, wala pa namang [aglilinaw ang kampo nio Eya hinggil sa kumakalat na balita.

The post Eya Laure umaabot ng P630k ang sahod kada buwan, true kaya? appeared first on Bandera.


Eya Laure umaabot ng P630k ang sahod kada buwan, true kaya? Eya Laure umaabot ng P630k ang sahod kada buwan, true kaya? Reviewed by pinoyako on January 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close