BREAKING NEWS

John Lloyd Cruz, Robi Domingo muntik magsuntukan sa wedding reception?

John Lloyd Cruz, Robi Domingo muntik magsuntukan sa wedding reception?

TOTOO nga kaya ang kuwentong muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd Cruz sa reception ng kasal nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde noong Disyembre 23? 

"Pansinin ninyo (walang nakakuha ng video) walang mga cellphone lalo na sa reception," ang bungad ni Ogie Diaz sa YouTube vlog nila nina Mama Loi, Tita Jegs, Tamerlane Mopia a.k.a. Alaska Boy, at Oliver Carnay.

Sa church wedding nina Zanjoe at Ria ay si Robi ang kanilang host at lahat ng bisita nila ay pawang close friends sa showbiz at isa na nga si Lloydie sa kanila.

Pagpapatuloy ni Ogie, "May pouch bag, binigyan lahat para roon isilid lahat ang cellphone. Reguest ng bagong kasal na walang magbi-video kaya pansinin n'yo, walang lumabas (tungkol sa kasalang Zanjoe at Ria)."

Baka Bet Mo: Derek Ramsay at John Lloyd Cruz type makachurvahan ni Janelle Tee kung…

Sabay-sabay na nag "oo nga" sina Mama Loi, Tita Jegs at Tamerlane.

"Kasi gusto ng dalawa mag-enjoy sila, magwalwal, magsuka kapag nalasing na para walang magkukuha," say ni Ogie.

Say din ni Mama Loi, "Para walang mako-conscious and you can be yourself and enjoy the company of your friends."

Sabi pa ni Ogie, "Isa nga sa nag-host ng reception ay si Robi Domingo, siyempre mga close friends ang nandoon di ba?  Nandoon si Daniel Padilla, kasama si Kaila Estrada, si Kathryn (Bernardo) nandoon din, Donny Pangilinan maraming artista na naroroon.

"So habang nagho-host daw itong si Robi, ito'y kuwento lamang sa atin ano, ng isa sa mga nakasaksi ro'n, na habang nagho-host (nagsasalita) si Robi ay nasambit niya kay Ria na, 'how does it feel do be Mrs. Marudo?' and si Zanjoe naman, 'how does if feel to be Mr. Atayde?'

"Siyempre magkakaibigan sila, so, tawanan (at) wala namang napikon even Zanjoe at si Ria, tawanan kasi sobrang close 'yang mga 'yan.

"So, pagbaba ni Robi ng entablado patungo do'n sa may bar, e, biglang (lumapit) um-approach si John Lloyd Cruz na isa rin sa mga bisita at 'yung tagpo na 'yun na paglapit ni John Lloyd, e, biglang napalakas 'yung boses ni John Lloyd kaya nakapukaw ng atensyon ng ibang bisita.

"Sabi raw ni John Lloyd (kay Robi), 'mali 'yung sinabi mo, in-appropriate 'yung sinabi mo okay ba 'yung sinabi mo na tawagin mong Mr. Atayde (si Zanjoe).

"Sabi ni Robi raw, 'may isyu ba tayo?

"Bakit ano gusto mo mangyari (pasugod na sabi raw ni Lloydie)," tsika ni Ogie.

Sabay-sabay na komento ng co-hosts ni Ogie, baka raw nakainom at say ni Oliver Carnay, "Lasing na si John Lloyd."

"Napa-stop 'yung mga tao at napatitig sila roon (sa puwesto nina Robi at JLC) malakas kasi 'yung boses ni John Lloyd and to think napakalaki ng venue at tumigil nga lahat kasi malakas 'yung boses ni John Lloyd, siyempre to the rescue si Donny kaibigan sila ni Robi, siyempre nakaalalay lang din naman 'yung bata para whatever happens puwede siyang umawat.

"Nagpanganga rin sina Enchong Dee at Elijah Canlas, si Gary V,  mga Valenciano nandoon din, so na-shock sila," paglalarawan ni Ogie sa nangyaring sagutan nina Robi at Lloydie.

"So, anong nangyari 'nay?" tanong ni Mama Loi.

"Base sa nakakita ay nag-aabang lang si Robi kung uundayan siya ng suntok ni John Lloyd pero hindi naman nangyari kasi napakiusapan na ibigay kina Zanjoe at Ria 'yung moment na 'yun," sagot ni Ogie.

Muling inulit ni Oliver Carnay ang komento niya, "Baka naman lasing na si John Lloyd?"

Sagot agad ni Ogie, "Malamang inuman na 'yun. Kita mo walang lumabas na naggaganu'n, nagtutuok ng kamera.

"Si Donny ay nasigawan din ni John Lloyd, something like, 'wag kang makialam dito ha!'

"Na-pacify din pero hindi sila tsika after na na-realize rin na mali si John Lloyd o si Robi. Hindi mo talaga maiintindihan itong sitwasyon na ito kasi wala tayo do'n, eh. Kaya hindi ko rin sila huhusgahan," esplika ni Ogie.

At dahil event organizer si Mama Loi ay natanong siya ni Ogie kung may na-encounter siya na nagbibiruan ang mga guest na nagkaroon ng pikunan.

Mabilis na sagot ni Mama Loi, "Wala naman akong na-expreience na ganu'n, 'nay! Kasi kung biruan lang ng mga friends amongst friends ang nandoon at biruan feeling ko ay okay lang. Pero para iba baka sensitive 'yung tanong.

"Kasi kung kinumusta mo yung lalaki na halimbawa Mr. Cruz na apelyido ng babae ay parang nangingibabaw 'yung apelyido ng babae kesa sa lalaki kasi di ba pag ikinasal na, apelyido ng lalaki ang gamit ng babae, so, para tanungin ka na Mr. na apelyido ng babae parang nakakailalim do'n sa guy sa iba (tao).  Pero amongst friends, they don't mind.

"Baka lang nu'ng gabing iyon si John Lloyd medyo na-offend do'n sa tanong for his friend kung friend niya si Zanjoe," paliwanag niya.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag o opisyal na pahayag ng mga taong nabanggit sa artikulong ito. 

The post John Lloyd Cruz, Robi Domingo muntik magsuntukan sa wedding reception? appeared first on Bandera.


John Lloyd Cruz, Robi Domingo muntik magsuntukan sa wedding reception? John Lloyd Cruz, Robi Domingo muntik magsuntukan sa wedding reception? Reviewed by pinoyako on January 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close