Paolo Contis pak na pak ang Pasko at New Year: Mahal ko kayong lahat!

SURE na sure kaming mas naging masaya at makabuluhan ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ng Kapuso actor na si Paolo Contis.
Nakasama kasi ni Pao ang kanyang pamilya nitong nagdaang holiday season sa Cebu, kabilang na ang kanyang mga anak at mga magulang.
Muli ring nakapiling ng aktor ang dalawa niyang anak na sina Xalene at Xonia, pati na ang dating asawang si Lian Paz, at ang husband nito ngayon na si John Cabahug.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng Kapuso star ang mga litrato na kuha sa kanilang selebrasyon na ginawa sa isang resort.
Makikita ang aktor na enjoy na enjoy sa pakikipag-bonding sa kanyang mga anak at iba pa nilang mga kasama sa holiday celebration.
May picture pa siyang ipinost kung saan sila nagsalu-salo sa isang masarap na boodle fight.
Sey ni Paolo sa kanyang caption, "A very well spent holiday… kasama ang aking pamilya sa Manila at sa Cebu! Mahal ko kayong lahat!"
Bukod sa kanyang pamilya, may ipinost din si Pao na mga pictures nila ng kaibigang si Primetime King Dingdong Dantes.
Noong August, 2025 nabigyan uli ng chance si Paolo na makasama ang mga anak kay Lian kaya naman todo ang pasasalamat niya sa dating asawa at sa husband nitong si John na napaka-generous sa pagpayag sa kangang request.
The post Paolo Contis pak na pak ang Pasko at New Year: Mahal ko kayong lahat! appeared first on Bandera.

No comments: