BREAKING NEWS

Kiko Barzaga kinasuhan ng cyber libel ni Manila Rep. Valeriano

NAGHAIN ng reklamong cyberlibel si Manila Rep. Rolando Valeriano laban kay Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga kaugnay sa naging Facebook post nito patungkol sa umano'y pagtanggap ng kickback ng mga congressman na miyembro ng National Unity Party (NUP) noong January 9, 2026.

Base sa lumabas na ulat nitong Miyerkules, January 21, personal na natungo so Valeriano sa Manila City Prosecutor kasama ang kanyang abogado upang magsampa ng kaso laba sa batang kongresista.

Ayon kay Valeriano, naapektuhan at nasira ni Barzaga ang kanilang samahan dahil umabot na sa 16 million views ang mga nakabasa ng kaniyang naturang post.

"Wala pa at saka the damage has been done. 16 million of views at ngayon, tingin ko, ang tingin nila [ay] flavor of the month 'yong mga congressman, 'di ba?" saad ni Valeriano.

Baka Bet Mo: Harry Roque nanindigan, Kiko Barzaga dapat maging House Speaker

Pagpapatuloy pa niya, pangit na ginagamit ni Barzaga ang ganoong sitwasyon para lang umani ng kasikatan.

"Pangit naman 'yong ganoon na kina-capitalize mo 'yong ganoong sitwasyon para lang sumikat ka. So, hindi maganda 'yon," dagdag pa niya. 

Matatandaang nauna nang masampahan ng kasong cyberlibel si Barzaga ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno sa Office of the Prosecutor sa Antipolo City dahil din sa naging Facebook post ng nito noong January 9, 2026. 

Malisyoso at malinaw daw na intensyon ng kongresista na sirain ang reputasyon ng NUP nang walang kahit anong basehan.

Dagdag pa niya, hindi raw puwedeng basta na lang mag-akusa si Barzaga sa kaniyang Facebook page sa NUP at asahang hindi iyon makikita ng milyon-milyong netizens.

Sa ngayon ay nahaharap si Barzaga sa iba't-ibang elemento ng kasong cyberlibel sa ilalim ng Section 4(c)(4) of Republic Act No. 10175, na may relasyon sa Articles 353 at 355 ng the Revised Penal Code, bilang amended sa Republic Act No. 10951.

The post Kiko Barzaga kinasuhan ng cyber libel ni Manila Rep. Valeriano appeared first on Bandera.


Kiko Barzaga kinasuhan ng cyber libel ni Manila Rep. Valeriano Kiko Barzaga kinasuhan ng cyber libel ni Manila Rep. Valeriano Reviewed by pinoyako on January 21, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close