BREAKING NEWS

Gelli de Belen sa pagbubuntis umano ni Kaila Estrada: Hindi totoo ‘yan!

Gelli de Belen sa pagbubuntis umano ni Kaila Estrada: Hindi totoo 'yan!

TILA hindi nakaligtas ang aktres na si Gelli de Belen sa mga mapag-usisang reporters at natanong patungkol sa tunay na estado ng relasyon ng kanyang pamangkin na si Kaila Estrada at aktor na si Daniel Padilla.

Hanggang ngayon kasi ay tahimik pa rin ang dalawa sa kung anuman ang namamagitan sa kanila pero madalas nang maispatang magkasama ito sa public lately.

At dahil nga sa pananahimik ng dalawa ay ang malalapit na mga tao na sa paligid nila ang natatanong kapag may pagkakataon gaya na lamang ni Gelli.

Biro pa nga niya, hindi raw siya ready sa mga ibinatong tanong sa kanya tungkol kina  at aminadong wala siyang alam sa kung anuman ang meron sa dalawa.

Baka Bet Mo: Gelli de Belen pinagsabihan si Janice sa mga red flags ni John noon

"Bahala na sila, malalaki na sila," saad ni Gelli.

Chika pa niya, "Matagal ko nang kilala si DJ. Inaanak ko pa nga si DJ."

Si Kaila pa nga raw ang nagpaalala kay Gelli na inaanak niya si Daniel sa binyag.

"Basta, hayaan na lang natin sila!" dagdag pa niya.

Well, natanong rin si Gelli kung happy ba siya sa kanyang pamangkin.

"Sa akin kung saan masaya ang mga batang ito, doon sila. Kung ano ang ikaliligaya nila, doon sila," sey ni Gelli.

Nang tanungin naman siya kung boto siya kay DJ para kay Kaila ay sinabi niyang ayaw niyang ma-involved.

Samantala, natanong naman siya hinggil sa mga kumakalat na isyu tungkol sa umano'y pagbubuntis ng kanyang pamangkin at mayroon rin itong pelikula na hindi umano matutuloy dahil preggy ito.

"What?!" shookt na sagot ni Gelli sa narinig.

"Hindi 'yan, hindi totoo 'yan!" tanggi ng aktres.

Sabi pa ni Gelli, kung totoo man daw ang balita ay dapat alam na niya ito dahil tinawagan na siya panigurado ni Janice, ang ina ni Kaila.

The post Gelli de Belen sa pagbubuntis umano ni Kaila Estrada: Hindi totoo 'yan! appeared first on Bandera.


Gelli de Belen sa pagbubuntis umano ni Kaila Estrada: Hindi totoo ‘yan! Gelli de Belen sa pagbubuntis umano ni Kaila Estrada: Hindi totoo ‘yan! Reviewed by pinoyako on January 23, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close