DPWH nanawagan sa mga kabataang labanan ang korapsyon: Tulungan n’yo kami

NAKIUSAP ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga bagong college graduates at kabataan na maging parte ng laban kontra-korapsyon.
Ito ay naganap sa kanilang kauna-unahang Campus Job Fair nitong Miyerkules, January 21.
"This is a golden opportunity, everyone, for you, young engineers, to come and be part of the solution. We need more people to join us and try to solve all of these problems," saad ni DPWH Sec. Vince Dizon sa fresh graduates ng Mapúa University.
Pagpapatuloy niya, "We need to remove the rotten eggs, and we need to bring in fresh blood. We need to bring in the fresh and dynamic."
Baka Bet Mo: Aiko Melendez binanatan DPWH, nauusong Halloween costume?
Sa hiwalay na pahayag ng DPWH secretary sa media, inamin niyang kinabahan siya noong una dahil inakala niyang walang estudyante ang magiging interesado na pumasok sa kanilang ahensya dahil sa isyung kinakasangkutan nito.
"I know that a lot of you, when you think of DPWH, 'mapapahamak lang ako diyan. Baka mahawa pa ko sa mga corrupt, sa mga magnanakaw diyan.'
"You know, if we don't do something about it, wala nang mangyayari. Forever nang mauulit 'yong mga nakikita niyong mga bridge 10 years di matapos-tapos, 'yong Maharlika, hindi na maaayos 'yan forever. But now's the time," lahad pa ni Dizon.
Segunda naman ni DPWH OIC-Usec. Lara Marisse Esquibil, responsibilidad na ng kasalukuyang henerasyon na maging simula ng pagbabago.
"Kung kayo ay mga taong buong-buo ang puso para sa serbisyo, para sa bansa, talagang ay goal n'yo ay i-angat ang imprastraktura ng Pilipinas, samahan n'yo kami, tulungan n'yo kami. Ito na, responsibilidad na ng henerasyon natin 'to. Sinabi na 'to ni Sec. Vince, let's do this, it is our turn, let's turn this page. Please join us," sey ni Esquibil.
Nagkaroon ng job pair sa naturang unibersidad na dinaluhan ng mahigit 300 student applicants, na lubos ikinatuwa ni Dizon.
Nagpapakita lamang daw ito na may pag-asa pang mabago ang ahensya sa tulong ng kabataang Pinoy.
Bukod sa Mapua University, plano rin ng DPWH na bumisita sa University of Santo Tomas (UST) para sa susunod nilang nationwide job caravan.
Matatandaang unang inanunsyo ni Dizon ang pagbubukas ng higit 2,000 posisyon sa DPWH noong October 2025 dahil sa naging malawakang pagsibak at pagpapatawag ng courtesy resignation sa ilang empleyado at opisyal sa mga nagdaang buwan dahil sa mga maanomalyang flood control projects.
The post DPWH nanawagan sa mga kabataang labanan ang korapsyon: Tulungan n'yo kami appeared first on Bandera.

No comments: