BREAKING NEWS

Ben&Ben Paolo na-‘prank’ sa araw ng kasal; Miguel may espesyal na payo sa kambal

Ben&Ben Paolo na-'prank' sa araw ng kasal; Miguel may espesyal na payo sa kambal
Paolo and Miguel Benjamin

MAY hindi malilimutang moment sa araw ng kasal si Paolo Benjamin ng Ben&Ben.

Magugunitang ikinasal siya nitong January 15 sa non-showbiz partner na si Rachel.

Kamakailan lang, dinaluhan ng BANDERA ang presscon ng banda para sa latest single nila na "Duyan," at diyan ibinahagi ni Paolo ang isa sa most unforgettable moment bago mag-umpisa ang wedding ceremony.

Ito raw 'yung tinatawag na "first look," na karaniwang pasilip para sa ikakasal na couple bago ang seremonya.

Baka Bet Mo: Paolo ng Ben&Ben iniyakan pagpapakasal ng kakambal na si Miguel

"'Yung asawa ko, nag-prang siya!" bungad ni Paolo.

Patuloy niyang chika, "'Yung parang magkikita kayo, pero hindi pa talaga magkikita. One year in the making, naisip niya na yayakapin ako from the back."

"Tapos hawak ko 'yung kamay niya, [sa isip] ko parang magaspang. Pero ayoko na lang magsabi ng anything kasi wedding day namin 'yun. Tapos biglang may sinabi ka 'di ba?'" wika ni Paolo sa kanyang kambal.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid02YnX7FM9Scd8EYKRvFTkSGfLs6ZfTT6AafpPtyJpMtyc3SdQgPkFiZRbEbXxdHfK6l&show_text=true&width=500" width="500" height="710" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Sagot naman ni Miguel sa kanya: "Sabi niya, 'pwede na ba kitang tingnan?'"

Patuloy ni Paolo: "Tapos may sumagot, sabi 'Sige!' (ginaya ang malalim na boses). Tapos paglingon ko, ayun na nga, kambal ko lang pala!"

Hirit ni Miguel, "Tapos medyo awkward nun kasi nga parang emosyonal niya, so parang genuinely, na-badtrip talaga siya. Kasi 'di ba tawanan 'yung mga bisita tapos siya hindi siya natatawa. Tapos sabi ko, 'sorry, sorry.'"

"Ayun, sobrang memorable. So memorable," sambit ni Paolo.

Napagkwentuhan din sa intimate event ng Ben&Ben ang ibinigay na payo ni Miguel para sa kanyang kapatid na si Paolo bago ikasal.

"Your journey is unique, and although many different people can give you advice, the most important decision makers in your life are the two of you, not even your siblings, not even your family. Kasi pagka-kinasal ka, dalawa na kayo. Tapos sa bawat paggising mo, ang inaalala mo ay kayong dalawa," sambit ni Miguel.

Magugunitang naunang ikinasal si Miguel kay Karelle Bulan noong February 2023.

At ito ang nagbigay-daan para ibahagi niya ang kwento sa likod ng kanilang bagong single na "Duyan."

Ayon sa kanya, isinulat niya ito mismo tatlong araw bago ang kasal tatlong taon na ang nakalilipas.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=476&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Freel%2F2756096744742939%2F&show_text=false&width=267&t=0" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>

Ang "Duyan", isang pop-rock ballad tungkol sa pagmamahal na hindi natitinag ng distansya, panahon, at pagsubok, ay huling kabanata ng Mahiwaga Trilogy ng Ben&Ben, na sinimulan sa "Pagtingin" at "Araw-Araw."

Mas lalong naging espesyal ang music video dahil pinagbidahan muli nina Khalil Ramos at Gabbi Garcia, na bida rin sa mga naunang installment ng trilogy. 

Ayon kay Miguel, ito rin ay isang "full-circle" moment para sa kanila.

"Thematically, it's beautiful to see how the story progressed since Pagtingin," wika ni Khalil sa isang pahayag.

Aniya pa, "Gab and I grew alongside these songs. At every stage of the trilogy, we could deeply relate to it, because it reflected the different phases of our own relationships through the years."

Sa direksyon ng Lunchbox Studios sa pamumuno ni Daniel Aguilar, hatid ng wedding-themed music video ang mala-panaginip ngunit makatotohanang pagtatapos ng trilogy.

Ang "Duyan" ay mapapakinggan na sa lahat ng digital platforms worldwide via Sony Music Entertainment.

The post Ben&Ben Paolo na-'prank' sa araw ng kasal; Miguel may espesyal na payo sa kambal appeared first on Bandera.


Ben&Ben Paolo na-‘prank’ sa araw ng kasal; Miguel may espesyal na payo sa kambal Ben&Ben Paolo na-‘prank’ sa araw ng kasal; Miguel may espesyal na payo sa kambal Reviewed by pinoyako on January 30, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close