Panawagan ng Arsobispo: Mag-usap sa bahay, isantabi muna ang cellphone

DAHIL sa labis na paggamit ng cellphone at iba pang gadgets, humihina na ang samahan ng mga pamilyang Pilipino.
Ito ang naging mensahe ni Archbishop Gilbert Garcera ng Lipa sa kanyang homily, kasabay ng Feast of the Holy Family sa Parish of the Holy Family sa Luyos, Tanauan City.
Ayon kay Garcera, parami nang parami ang balakid na kinakaharap ng mga pamilya dahil napapalitan ng gadget ang tunay na usapan sa loob ng tahanan, kahit sa oras ng kainan na dapat sana'y nagpapalakas ng samahan.
"Families no longer talk to one another," sey ni Garcera habang nagmimisa.
Baka Bet Mo: CBCP ayaw sa 'Trick or Treat' tradition: Work of devil
Ikinuwento ng arsobispo na karaniwan na ang ganitong eksena sa mga bahay, kung saan ang mga magulang ay nakatutok sa telebisyon, ang mga anak ay abala sa computer o cellphone, at halos walang nag-uusap nang harapan.
Binigyang-diin niya na mahalaga pa rin ang komunikasyon sa buhay mag-asawa at pamilya.
Sabi pa niya, kailangang patuloy na nag-uusap ang mag-asawa, mga magulang, at mga anak upang manatiling buo ang pamilya.
Habang papalapit ang Bagong Taon, hinamon ni Garcera ang mga pamilya na ibalik ang kultura ng pag-uusap sa bahay dahil ito raw ang susi sa pagkakaisa.
"We were given words so we could speak to one another," dagdag ng arsobispo, na dating namuno sa CBCP Commission on Family and Life at sa Asian bishops' Office on Laity and Family.
Bukod dito, tinukoy rin ni Garcera ang ikalawang hamon sa buhay-pamilya: "Dogs and cats are now being treated as family members."
Naalala rin ng arsobispo ang mga insidente kung saan may mga nagpa-blessing matapos mamatayan ng aso.
Paliwanag niya, ang Simbahan ay nagbibigay ng basbas sa mga nagdadalamhating tao, hindi sa hayop, dahil tao lamang ang may kaluluwa.
Binanggit din niya ang isang insidente na nasugatan ang isang lay minister matapos mag-react ang asong hawak ng isang nagsisimba, habang namamahagi ng Komunyon.
Mayroon din umanong mga pagtatalo kapag inuuna ang pagreserba ng upuan sa Misa para sa mga alagang hayop kaysa sa mga tao.
"Brothers and sisters, this is a point for reflection: what truly is a family? These two things are essential—communication and reflection on what a loving family really is," aniya.
The post Panawagan ng Arsobispo: Mag-usap sa bahay, isantabi muna ang cellphone appeared first on Bandera.

No comments: