BREAKING NEWS

Ion Perez proud asawa kay Vice: To my BEST ACTOR, I’m here to stay forever!

Ion Perez proud asawa kay Vice: To my BEST ACTOR, I'm here to stay forever!

IBINANDERA ng actor-model na si Ion Perez ang kanyang wagas na pagmamahal sa kanyang partner na si Vice Ganda.

Proud na proud ang "It's Showtime" host sa pagkapanalo ni Vice bilang Best Actor in a Leading Role para sa "Call Me Mother" sa ginanap na Metro Manila Film Festival 2025 Gabi ng Parangal last Saturday, December 27.

Nag-post si Ion ng mga litrato nila ni Vice sa social media na nasa harapan ng isang bonggang Christmas tree na may nakasabit na white fairy lights at pulang tela na nakalatag hanggang sa sahig.

Naka-red dress si Vice with matching blonde hair at may kargang aso, habang  nakasuot naman ng pulang motorcycle suit si Ion with protective padding.

Baka Bet Mo: Vice Ganda nag-sorry kay Ion; nais maging tunay na ina: 'Gusto ko ng sariling akin'

"To my 'BEST ACTOR' im here to stay forever. I love you!" ang nakalagay sa caption ng post ni Ion

"Loving you all the way. You're my night and day. Forever we'll stay. Holding your hand come what may," ang mensahe pa ng aktor para sa kanyang asawa.

May special shoutout si Vice para kay Ion sa kanyang speech nang tanggapin ang kanyang first ever Best Actor award sa MMFF, bukod pa nga riyan ang pagiging number one na naman ng "Call Me Mother" sa takilya.

Sey ni Vice, relate much siya sa ginampanan niyang karakter sa "Call Me Mother" dahil may isang bahagi ng kanyang buhay ang konektado rito.

Aniya, taon-taon daw nilang pinaplano ni Ion ang magkaroon ng anak, pero lagi itong hindi natutuloy dahil sa kanyang responsibilidad sa trabaho kaya nag-sorry siya sa kanyang asawa.

"Sabi nila, 'Bakit daw damang-dama mo?' Sabi ni Sir Carlo (Katigbak, ng ABS-CBN) sa akin, 'Bakit hugot na hugot ka doon sa pelikula sa Call Me Mother? Parang nanay na nanay ka talaga?'

"Kasi damang-dama ko talaga. Kaya gusto kong mag-sorry kay Ion dahil taon-taon pinaplano naming magkaanak, pero dahil sa dami ng iniisip ko at obligasyon ko at trabaho ko at napakaraming gusto ko pang gawin, taon-taon, hindi rin namin naitutuloy 'yong plano namin.

"Kaya parang taon-taon, namamatayan din kami ng anak. Kaya sana magkaroon pa ako ng mahaba pang buhay para… at sana makapagdesisyon na rin ako para maibigay ko na 'yon sa pamilya namin.

"Kasi gusto ko na talagang maging nanay, kasi gusto ko na magmahal ng bata na sarili ko, na akin, na puwedeng-puwede dahil nanay talaga ako. Maraming-maraming salamat po. Salamat," ani Vice Ganda 

Nauna rito, ibinalita ni Vice Ganda sa pamamagitan ng YouTube vlog ni Karen Davila, na pinaplano na talaga nila ni Ion ang magka-baby sa pamamagitan ng surrogacy.

Ngunit pinayuhan siya ng kanyang mga doktor na kailangang tumigil muna siya sa pagtatrabaho para magpahinga ng tatlong buwan, para masigurong malusog ang kukuning semilya sa kaniya.

"Kung kita't kita lang rin naman parang kaya ko namang magpahinga ng three months. But I cannot leave Showtime. Hindi dahil sa 'yong kita ko mawawala. 

"'Yong laging, hindi naman sa pagmamayabang, pero 'yong sa sobrang pagmamahal ko sa Showtime, parang what's going to happen to Showtime if I'm not there for three months?" pahayag ni Vice.

The post Ion Perez proud asawa kay Vice: To my BEST ACTOR, I'm here to stay forever! appeared first on Bandera.


Ion Perez proud asawa kay Vice: To my BEST ACTOR, I’m here to stay forever! Ion Perez proud asawa kay Vice: To my BEST ACTOR, I’m here to stay forever! Reviewed by pinoyako on December 28, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close