Chavit Singson sa tsismis sa kanila ni Jillian Ward: Sana nga maging totoo

MULING nagpakawala ng nakakaloka at nakakaintrigang pahayag si dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson patungkol sa pagli-link sa kanila ni Jillian Ward.
Natanong kasi uli ang dating gobernador nang mag-guest siya sa "The Men's Room" podcast hosted by Stanley Chi and Janno Gibbs.
Nagdenay naman uli si Manong Chavit hinggil sa iniintrigang "special relationship" nila ng Kapuso actress pero ang suggestion niya sana'y magkakilala at magkita na nga sila nang personal.
Sa tanong kung never ba talaga silang nag-meet up close and personal ni Jillian, sagot ni Chavit, "Hindi. Sa awa ng Diyos, hindi pa."
Baka Bet Mo: Chavit Singson: Lahat 'yan mga asong ul*l, pag nakaamoy ng pera kumakagat!
"Hindi pa. Sana nga," ang sumunod na hirit ng dating politiko na pinagbintangan ngang karelasyon daw ni Jillian. Siya raw ang nagbibigay sa Kapuso actress ng mga mahahaling gamit, kabilang na ang isang luxury car.
Mariin naman itong dinenay ni Jillian at umiiyak pang sinabi on national television na pinaghirapan niya ang lahat ng anumang meron siya ngayon at never pa niyang na-meet personally si Chavit.
Kaya naman ang sunod na tanong kay Manong Chavit, bakit kaya sila natsitsismis samantalang hindi pa sila nagkikita at nagkakilala ever.
"'Yun na nga, eh. Pero sana may magpapakilala (sa amin) para pareho naming idedenay. Para mawala na.
"Kasi nagde-deny ako, nagde-deny siya, parang naglolokohan lang eh. Kaya kailangan mag-meet kami para pareho naming i-deny," aniya pa.
Nagbigay pa siya ng pabirong mensahe sa Kapuso actress, "Um, sana nga maging totoo."
Matatandaang pinabulaanan na ni Chavit ang tsismis sa kanila ni Jillian, "Marites lang. Naririnig ko nga yun. Marami ngang nali-link sa akin. Pero puro Marites yan."
Paglilinaw naman ni Jillian sa interview ng King of Talk na si Boy Abunda, "Hindi talaga totoo. I never met him, never po kaming nagkausap. Hindi ko nga alam kung kilala niya ako eh. Hindi talaga kami magkakilala."
The post Chavit Singson sa tsismis sa kanila ni Jillian Ward: Sana nga maging totoo appeared first on Bandera.

No comments: