BREAKING NEWS

Direk Emille Joson ibinahagi ang kita ng ‘Adivino’ sa mga seizure patient

Direk Emille Joson ibinahagi ang kita ng 'Adivino' sa mga seizure patient
Emille Joson

NAKILALA ang direktor na si Emille Joson bilang isa sa matatapang na boses sa entertainment industry – witty, matalino sa pagsusulat, at handang manindigan laban sa katiwalian. 

Pero alam n'yo ba na noong teenager pa lamang siya ay hinarap niya ang isang neuro-condition na tinatawag na seizure—isang mild na bersyon ng epilepsy. 

Dahil dito, naging malaking hamon ang kanyang pag-aaral noong high school at hindi siya naging honor student tulad noong nasa elementarya pa lamang siya. 

Ngunit sa kabila ng hamong ito, nagpakitang-gilas siya sa leadership: aktibo sa student council at patuloy na nanalo sa mga pageant at JS prom night.

Noong 2007, na-ICU siya ng ilang linggo dahil sa kanyang health condition, kaya kinailangan siyang i-home school ng St. Francis De Assisi Montessori School sa Bulacan. 

Nalampasan niya ang pagsubok matapos sumailalim sa neuro-surgery sa St. Luke's Medical Center bago pumasok sa film school, matapos maging drug-resistant ang kanyang katawan sa maagang epekto ng Hormone Replacement Therapy sa edad na 15. 

Matagumpay ang operasyon, at muling pinatunayan ni Direk Emille ang kanyang talino at determinasyon, lalo na sa larangan ng filmmaking.

Ngayon, kilala si Direk Emille bilang isang respetadong direktor at aktibong tumutulong sa kapwa. 

Idinonate niya ang bahagi ng kinitang dolyares ng kanyang short film na "Adivino" sa mga seizure patients sa iba't ibang bansa sa Asia, katuwang ang ilang organisasyon at ang family-owned cooperative na Alaga Producers Cooperative, kung saan namumuno rin ang kanyang mga kapatid.

Ayon sa direktor, pinayuhan niya ang iba na huwag na itong ianunsyo sa publiko, ngunit kailangan daw ang dokumentasyon para sa ibang mga tumulong upang maging daan sa mga bibigyan ng donasyon. 

Saad pa niya, "People with this condition are very close to my heart because I know how it feels, the self-isolation, the stigma, the heaviness in the heart, so I want them to be happy, lalo na at malapit na ang Christmas.

"If I survived seizure, then I think they can too!" saad ng direktor.

Taong 2021, namayagpag ang "Adivino" sa streaming sites dahil sa kontrobersiya na kinaharap ng dating producer na si Harvey Weinstein, dito nagsimula ang #MeToo Movement. 

Sunud-sunod ang mga feminist na pelikula, TV shows at short films ang sumikat muli tulad ng "Jennifer's Body," "Enough", "I Spit on Your Grave", "Double Jeopardy" at marami pang iba. 

Para sa ibang fans, ang "Adivino" ang nagbalik ng Japanese horror feminist vibe at Archetypal Evil villains, mga kontrabidang katulad nina Art the Clown, Michael Myers at Norman Bates sa international audience mga karakter na naghasik ng lagim ngunit walang malinaw na motibo at backstory. 

Ang Archetypal Evil villains concept ay muling nauso ngayon sa Hollywood sa paglabas ng mga bagong box-office movies kagaya ng Longlegs at Weapons. May ilang nagsasabing fans na isa si Emille Joson sa mga Asian director na nagsilbing inspirasyon dito.

The post Direk Emille Joson ibinahagi ang kita ng 'Adivino' sa mga seizure patient appeared first on Bandera.


Direk Emille Joson ibinahagi ang kita ng ‘Adivino’ sa mga seizure patient Direk Emille Joson ibinahagi ang kita ng ‘Adivino’ sa mga seizure patient Reviewed by pinoyako on November 18, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close