Gerald Anderson sa korapsyon: ‘Tama na! Sana magising na tayong lahat!’

PROUD ang action-drama royalty na si Gerald Anderson sa ABS-CBN crime action-drama na "Sins of the Father" na magtatapos na ngayong linggo.
Matagumpay na nakapagbigay ang serye ng mga kaalaman tungkol sa iba't ibang klase ng scam sa bansa at sa patuloy na pangunguna nito bilang most watched teleserye sa iWant hanggang sa pagtatapos nito this week.
"I will miss playing Samuel because of the impact and social awareness na ibinigay ng show namin. It's about corruption and scams, which is very timely sa nangyayari sa bansa natin. It has been an amazing journey and I'm very grateful," ang pahayag ng Kapamilya actor.
Napapanahon ang tema at konsepto ng "Sins of the Father" dahil nga sa mainit na usapin ngayon hinggil sa nakawan at korapsyon sa gobyerno kaya naman umaasa si Gerald na kahit paano'y nakatulong ang kanilang advocacy series sa mga Pilipino.
Sa ilang episode kasi ng serye ay nagawa nilang patamaan ang mga taong sakim at gahaman sa pera na walang ginawa kundi ang manloko at nakawan ang ng kanilang kapwa.
Sabi ni Gerald, magkahalo ang nararamdaman niya ngayon dahil magtatapos na ang serye nila.
Malungkot, pero at the same time, masaya dahil pakiramdam naman niya ay panalo sila sa laban nila, na mas palawakin pa ang kaalaman ng mga Pinoy tungkol sa korapsiyon, scam, at kung ano-ano pang kalokohan.
"Mixed emotions. Siyempre masaya ako, lalo na noong natapos na ang taping. But at the same time, nalulungkot ako kasi talagang lahat kami binigay namin ang pinaka-best namin.
"Mami-miss ko ito, ang character ko, because of the social impact na naibigay ng show namin. It's about corruption, about scams.
"Alam naman nating lahat kung ano ang nangyayari sa bansa natin. Kumbaga, 'yun ang fight namin, 'yun ang paraan namin para makatulong. Na maging aware ang mga tao sa nangyayari.
"But ang dami kong natutunan. It has been an amazing journey. Just very grateful," ayon pa kay Gerald.
Sabi pa ni Gerald sa patuloy na paghihirap at pagsasakripisyo ng mga Pilipino sa gitna ng malawakang korapsyon sa gobyerno, "Tama na! Sana magising na tayong lahat!"
Sumang-ayon din ang isa sa mga direktor ng "Sins of the Father" na si FM Reyes sa tinuran ni Gerald na nais nilang ipakita sa manonood ang realidad ng mga isyu sa lipunan.
"This is our little way of presenting to the public all the perspectives of corruption in our lives. From the victims who condone the scamming business to those who run it.
"Higit sa lahat it gave a voice to those who are voiceless," sabi ni Direk FM na kasama rin sina Bjoy Balagtas at Avel Sunpongco sa pagdirek ng serye.
Pinangunahan ng JRB Creative Production ng ABS-CBN ang pagbuo ng programa sa pangunguna ng business unit head na si Julie Anne R. Benitez, kasama ang executive producers na sina Maya Aralar at Marissa Kalaw, creative head Dindo Perez, head writer Cenon Palomares, at writer na sina Jann Mendoza and Shania Vonzel.
Sa pagwawakas ng serye, lalong tumitindi ang aksyon at tensyon habang unti-unting nabubunyag ang mga malalagim na sikreto at krimen. Nakatakas sa kulungan si Samuel (Gerald) sa tulong nina Agnes (Jessy Mendiola) at Johnny (RK Bagatsing) matapos siyang akusahan bilang lider ng sindikato na Bakunawa.
Matapos matuklasan ang pagkakasangkot ng pamilya niya sa naglalakihang scams, ibubunyag na ni Leah (Shaina Magdayao) ang opersayon ng Bakunawa para protektahan ang mga anak niya mula sa panganib.
Samantala, naging bagong pinuno na si Jacob (JC De Vera) ng grupo na naging dahilan upang malagay sa paganib si Arissa (Francine Diaz) at ang pamilya ni Samuel habang nananatiling nakakulong si Enzo (Seth Fedelin) sa scam warehouse.
Huwag bumitiw sa huling linggo ng "Sins of the Father" na napapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWant, at TFC gabi-gabi, 9:30 p.m..
The post Gerald Anderson sa korapsyon: 'Tama na! Sana magising na tayong lahat!' appeared first on Bandera.

No comments: