BREAKING NEWS

Ellen Adarna 2 beses ipinabarangay si Derek Ramsay, nagkaroon ng kasunduan

Ellen Adarna 2 beses ipinabarangay si Derek Ramsay, nagkaroon ng kasunduan
Ellen Adarna at Derek Ramsay

HINDI na raw masyadong nagulat ang ilang netizens sa paghihiwalay ng celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Simula pa lang daw noong aminin ng nagkahiwalay na mag-asawa ang kanilang relasyon ay na-feel na nilang hindi rin magtatagal ang kanilang pagsasama.

In-expect na rin daw nila na si Derek ang magiging dahilan ng paghihiwalay nila ni Ellen dahil sa third party na nagkatotoo nga base sa mga rebelasyon ng dating sexy star.

Sunud-sunod ang mga pasabog ni Ellen sa social media hinggil sa umano'y pagtataksil sa kanya ng asawa kasabay ng pag-amin na hindi na sila nagsasama ni Derek sa iisang bahay.

Ang huli nga  ay ang rebelasyon ni Ellen sa naging paliwanag ni Derek kung bakit umabot sila sa isyu ng cheating. Sey ng aktres, never daw nag-sorry at humingi ng tawad sa kanya ang asawa.

Kung sinu-sino raw ang itinuro nitong dahilan kung bakit niya nagawang mag-cheat sa relasyon nila, kabilang na ang ex-girlfriend daw nito na nagpakulam daw sa aktor.  

"He blames everything, everyone, but himself. He was able to convince his friends and people that it's my postpartum.

"He's convinced that an ex-girlfriend made him kulam. All of a sudden there was this bowl of salt with garlic in it," ani Ellen. 

Pagpapatuloy niya, "Me and my friends, and helpers before were like 'oh, like ano 'to? Bakit ganiyan? Bakit may salt? Bakit may bowl of salt with garlic?' and then sinabi nung isang katulong 'ay pinalagay diyan kasi baka may nang-kulam' so parang pang anti-kulam.    

"Blame it on the kulam," ang natatawang sey ni Ellen sa video.

Ipinost pa niya ang isang bowl na may lamang asin at bawang  garlic sabay tanong sa mga netizen kung "white magic" o "black magic" ba ang nakita nila.

Samantala, kinumpirma naman ni Ellen na sa bahay pa rin ni Derek siya nakatira ngayon dahil nire-renovate pa raw ang pag-aari niyang house. 

Sa katunayan, humingi pa nga raw siya ng tulong sa barangay para magkaroon sila ng agreement ni Derek na hindi muna ito babalik sa bahay nila hangga't hindi sila nakakalipat ng kanyang mga anak.

Sagot ni Ellen sa isang netizen na nagtanong tungkol dito, "Pina-barangay ko siya dai, twice. Not once, but twice. 

"Yeah, but we had an agreement that, this was like months ago, three months ago, we had an agreement that he won't come back until I move in to my new place. 

"Tutal I'm gonna be gone forever. So just give me time until my place is done," paliwanag ni Ellen.

The post Ellen Adarna 2 beses ipinabarangay si Derek Ramsay, nagkaroon ng kasunduan appeared first on Bandera.


Ellen Adarna 2 beses ipinabarangay si Derek Ramsay, nagkaroon ng kasunduan Ellen Adarna 2 beses ipinabarangay si Derek Ramsay, nagkaroon ng kasunduan Reviewed by pinoyako on November 18, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close