Sexbomb Girls nahipuan ng manyak na fans, lasing na lalaki ginulpi

MARAMING pagkakataon na nabastos at na-harass ang mga miyembro ng iconic dance group na Sexbomb Girls noong kasagsagan ng kanilang kasikatan.
Binalikan nina Sexbomb Aira Bermudez at Sexbomb Jopay Paguia ang ilang insidente kung saan nabibiktima sila ng mga lalaking fans na hindi mapigil ang panggigil sa kanila.
Sa guesting nila sa Kapuso vodcast na "Your Honor" naikuwento nina Jopay at Aira kung paano nila hina-handle ang mga sitwasyon ng pangha-harass sa kanilang grupo lalo na kapag nagpe-perform sila nang live sa mga events.
"Ay, oo marami kaming kuwento diyan," ang chika ni Aira tungkol sa mga lalaking gustong maka-score ng panghihipo sa kanila.
"Oo, nanapak kami!" ang laugh nang laugh namang sey ni Jopay.
Ayon pa kay Jopay, ang palagi nilang paalala sa kanilang mga kamiyembro ay protektahan ang kanilang mga sarili mula sa mga manyak na fans sa pamamagitan ng pagtatakip ng kanilang mga kamay sa maseselang bahagi ng kanilang katawan.
Pero sad to say, may mga fans pa rin daw na nakalulusot sa kanilang masamang balak.
"Naalala ko noon, paakyat kami, kasi sa mga campaign ito. So, may bus kami doon, buong Sexbomb.
"Tapos siyempre, doon sa labas, nandiyan na 'yung mga tao, talagang hahablutin kami. O, girls, kapag naglakad kayo, kamay sa harap (sa dibdib), ito (kaliwang kamay) sa baba (maselang bahagi ng katawan). Ganu'n. Nakagani
yan kami lagi," ani Jopay.
Nang makabalik na raw sila sa bus ay may isa silang member na umiiyak dahil nahipuan daw siya ng lalaking fan at itinuro kung sino ang "suspek."
"Pakiakyat," ang sey ni Jopay sa grupo ng mga nag-a-assist sa kanila. "Pagdating sa loob eh, 'Bang!' Talagang ginulpi namin sa loob. Sorry. Alam mo 'yun."
"Hindi lang na may isang beses nangyari. Talagang 'pag may umulit, hahablutin talaga namin," ang sey naman ni Aira.
Bukod dito, sa isang show naman nila sa sa probinsiya ay namamatay-matay daw ang mga ilaw kaya hindi na nila natapos ang kanilang performance.
Nagdesisyon na silang umalis sa venue at habang naglalakad ay bigla na lang nilang narinig ang ilang members ng grupo na sumisigaw ng, "No, no, no!"
"Pagtingin namin tapos may ilaw na, hawak siya ng matandang lasing," sey ni Jopay. Kasunod nito, ginulpi rin nila ang naturang lalaki.
"Minsan kasi nagiging wild talaga sila," ang set pa ni Aira.
The post Sexbomb Girls nahipuan ng manyak na fans, lasing na lalaki ginulpi appeared first on Bandera.

No comments: