BREAKING NEWS

Valeen Montenegro natupad na ang wish na maging nanay, 28 oras nag-labor

Valeen Montenegro natupad na ang wish na maging nanay, 28 oras nag-labor
Valeen Montenegro

ABOT-LANGIT ang kaligayahan ngayon ng Kapuso actress na si Valeen Montenegro dahil isa na siya ngayong ganap na ina.

Finally, natupad na rin ng aktres ang matagal na niyang hiling na mabibiyayaan na ng baby at maging certified mommy.

Sa joint Instagram post ni Valeen at ng husband niyang si Riel Manuel, ibinahagi nila sa publiko na noong November 11 nang i-welcome nila ang kanilang panganay.

Makikita rito ang black-and-white photos ng naging journey ni Valeen sa panganganak habang nasa delivery room kasama ang kanyang mister. 

Umabot daw sa 28 oras ang pagle-labor ni Valeen bago maisilang ang sanggol, "This was so new to us. It's been an exhausting week, but also the most beautiful one yet. My heart has never been fuller.

"Watching my wife go through 28 hours of labor showed me what real strength looks like. She's my hero. The bond got stronger," ang nakasaad pa sa caption ng kanilang Instagram post.

Kasunod nito ang pasasalamat sa kanyang wifey, "for enduring every challenge, every ache, and every worry just to bring our little one into this world."

Bumuhos naman ang pagbati sa mag-asawa at sa kanilang first baby mula sa mga kaibigan nila sa showbiz kabilang na sina Carla Abellana, Maxine Medina, at Chariz Solomon.

Matatandaang nagkaroon ng gender reveal party last July sina Valeen kasama ang mga kaibigan, pero hindi pa nila ibinabalita kung girl o boy ang kanilang unang anak.

The post Valeen Montenegro natupad na ang wish na maging nanay, 28 oras nag-labor appeared first on Bandera.


Valeen Montenegro natupad na ang wish na maging nanay, 28 oras nag-labor Valeen Montenegro natupad na ang wish na maging nanay, 28 oras nag-labor Reviewed by pinoyako on November 18, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close