BREAKING NEWS

Xyriel Manabat inunahan na mga laiterang bashers: Retokada po ilong ko!

Xyriel Manabat inunahan na mga laitering bashers: Retokada po ilong ko!
Xyriel Manabat

INUNAHAN na ng Kapamilya actress at dating child star na si Xyriel Manabat ang mga bashers tungkol sa isyu ng pagpaparetoke.

Diretsahang ibinandera ng dalaga sa buong universe na totoong produkto siya ng cosmetic surgery at hindi naman niya ito itinatago at ikinahihiya.

Sinagot ng dating "Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition" ang isang netizen na nagkomento sa social media about her itsura.

Sa isang Instagram post, nilinaw ni Xyriel sa isang netizen na retokada raw ang kanyang ilong, at mali ang naging komento nito patungkol sa kanya na "no retoke".

"Pure beauty no retoke, sharawwwt team raht-bo," ang sey ng naturang netizen. Na sinagot nga ni Xyriel ng "Retokada po ilong ko."

Nagkomento uli rito ang nasabing netizen at nagsabing, "Ayy soriii naman hdi ko kase hilig mangalkal ng isue haha!" 

Nireplayan uli siya ni Xyriel, "It's okay compliment po yan for me LABYU HAHAHAHAHA THANKS."

Ilang netizens naman ang nambengga sa netizen dahil sa "shady" comment nito kay Xyriel. Feeling nila, gusto lang nitong ipahiya ang aktres sa madlang pipol.

"Ntawakels ko xyrielmanabat_ Yung pinupuri ka Ng mapagkunwaring fan kasi shady ahahah Ayan SAPUL! NAKAKAHIYA maging BASHER."

"Hindi isyu mga inggit lang kase yan walang pera."

"Dapat ba mainggit sa Isang basher? at least napatawa mko…imagine supal2 ka kagad."

"Issue ba talaga pag retokada yung tao??"

"Hindi hilig mangalkal ng issue? Eh bat may pinapatamaan ka sa comment mo?"

"Wang Kanang Manghostga sa tao tigna mo ssrili Hindi ka naman gwpo"

Nagpahayag naman ng suporta kay Xyriel ang mga dati niyang kasamahan sa Bahay ni Kuya na sina Kira Balinger, Josh Ford at AZ Martinez.

The post Xyriel Manabat inunahan na mga laiterang bashers: Retokada po ilong ko! appeared first on Bandera.


Xyriel Manabat inunahan na mga laiterang bashers: Retokada po ilong ko! Xyriel Manabat inunahan na mga laiterang bashers: Retokada po ilong ko! Reviewed by pinoyako on October 27, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close