BREAKING NEWS

Will Ashley may solo concert na; GMA Afternoon Prime hataw sa ratings

Will Ashley may solo concert na; GMA Afternoon Prime hataw sa ratings
Will Ashley, Vina Morales at Gladys Reyes

GIGIL na gigil ang mga Kapuso sa bardagulan at drama tuwing hapon kaya naman laging panalo sa ratings at may million views online ang mga serye ng GMA Afternoon Prime!

Kaabang-abang ang mga susunod na kaganapan sa "My Father's Wife." Mabibisto na kaya ng mag-amang Gina (Kylie Padilla) at Robert (Gabby Concepcion) ang pagtataksil ng kanilang mga asawa na sina Gerald (Jak Roberto) at Betsy (Kazel Kinouchi)?

Samantala, tinutukan din ng viewers ang unang paglabas ni Atty. Lilet Matias (Jo Berry) sa "Akusada." Ano kaya ang magiging hatol niya kay Lorena (Andrea Torres)?

Certified hit din ang pinakamatinding laban ng dalawang pamilya sa "Cruz vs. Cruz." Anong mangyayari sa muling pagkikita nina Felma (Vina Morales) at Manuel (Neil Ryan Sese)?

Manatiling nakatutok sa iba pang exciting na eksena tuwing hapon sa pangmalakasang GMA Afternoon Prime!

* * *

Dream come true para sa Kapuso actor na si Will Ashley ang magkaroon finally ng major solo convert na magaganap sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.

Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng former "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition" ang kanyang "Big Night. Big Energy with Will Ashely!" concert.

Mismong ang creative director ng StageNova Entertainment na si Marvin Caldito II ang nag-announce nito sa social media.

Mangyayari ang "Big Night. Big Energy with Will Ashely!" sa October 18, 2025.

Bukod dito, magiging busy din si Will sa shooting para sa upcoming movie niyang "Love You So Bad" kasama ang kapwa "PBB Celebrity Collab Edition" ex-housemates na sina Dustin Yu at Bianca De Vera.

The post Will Ashley may solo concert na; GMA Afternoon Prime hataw sa ratings appeared first on Bandera.


Will Ashley may solo concert na; GMA Afternoon Prime hataw sa ratings Will Ashley may solo concert na; GMA Afternoon Prime hataw sa ratings Reviewed by pinoyako on September 01, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close