Misis nagreklamo matapos makitang hubo’t hubad ng 2 window cleaner

Trigger warning: Mention of depression, anxiety
MATAPOS makitang hubo't hubad ng dalawang window cleaner sa kanilang sosyal na apartment, inatake na ng anxiety at depression ang isang misis.
Tumambad daw ang natutulog na ginang na walang saplot sa katawan sa mga naglilinis daw ng kanilang bintana sa isang high-end luxury apartment complex sa Chengdu, Sichuan province, China.
Ayon sa ulat ng Chinese media outlet na What's on Weibo, talaga raw nakahubad kung matulog ang ginang kaya naman ang kabilin-bilinan nila sa management ng building ay huwag magpapalinis ng bintana nang walang pasabi.
Nangyari raw ang insidente noong April, 2025, ayon sa asawa ng ginang na nakilala lamang sa pangalang Mr. Cheng. Dahil daw dito, naapektuhan ang mental health ng kanyang asawa.
Kuwento ni Mr. Cheng, nirerentahan nila ang isang unit sa nasabing building sa halagang 10,000 Chinese yuan o P79,860. Isa raw sa pakiusap nila sa front desk pati na rin sa mga housekeeper ng building, ipaalam muna sa kanila kung maglilinis ng exterior glass.
Pero mukhang nakalimutan daw ng management ang mahigpit nilang bilin kaya na-shock na lang sila nang makita ang dalawang lalaking window cleaners mula sa labas ng kanilang kwarto kung saan nga bumalandra sa mga ito ang hubad na katawan ng kanyang wifey.
Sabi ni Mr. Cheng sa panayam sa kanya, "It's been almost four months now, and the doctor diagnosed her with depression and anxiety.
"I've demanded a public apology and a reasonable compensation package from the apartment management, but they've refused," aniya.
Nagpadala raw ang management ng staff para mag-sorry with matching basket of fruits pero sey ng asawa ng ginang, "They haven't expressed any concern for my wife's depression in over three months."
Kasunod nito, nag-demand ang mag-asawa ng compensation dahil sa nangyari at nag-alok daw ang management ng 600 Chinese yuan o P4,790 discount para sa susunod nilang lease contract.
Ngunit hindi nila ito tinanggap kaya nagdesisyon na lamang ang mag-asawa na pagkatapos ng kanilang kontrata sa naturang apartment ay lilipat na sila ng tirahan.
The post Misis nagreklamo matapos makitang hubo't hubad ng 2 window cleaner appeared first on Bandera.

No comments: