BREAKING NEWS

Krissy Achino ibinandera binayarang tax ni Kris mula 2008-2015: P322-M! 

Krissy Achino ibinandera binayarang tax ni Kris mula 2008-2015: P322-M! 
Kris Aquino at Tita Krissy Achino

SA LAHAT daw ng mga tinatawag na "Nepo Baby", tanging ang Queen of All Media lamang na si Kris Aquino ang consistent at transparent sa pagbabayad ng kanyang tax.

Pinusuan at sinang-ayunan ng mga tagasuporta ni Kris ang ipinost ng kanyang impersonator na si Tita Krissy Achino sa Facebook tungkol sa pagiging tapat ng TV host-actress pagdating sa kanyang buwis.

Mainit pa rin kasing pinag-uusapan ngayon ang tungkol sa mga tinaguriang Nepo Babies sa mundo ng politika at social media na binabatikos ngayon dahil grabe kung ipangalandakan nila sa publiko ang kanilang yaman at kapangyariyan.

Nagsimula ito dahil sa pagkakalantad ng mga maanomalyang flood control projects sa bansa kung saan bilyun-bilyong piso ang umano'y nakurakot ng ilang politiko at government contractors.

Mas nadiin pa ang mga ito dahil sa kanilang mga kaanak na walang hiya-hiyang naglalantad sa publiko ng kanilang crazy rich lifestyle na pinaniniwalaang galing sa pondo ng bayan.

Post ni Krissy Achino, "Among all the so-called 'nepo babies' of Philippine politics/show business, Kris Aquino stands out for one thing most people often overlook… her transparency and consistency in paying her tax obligations. 

"Whether you're a fan or a critic, her dedication and work ethics are obviously undeniable," mababasa sa post.

"For those who grew up watching her in the early 2000s, her dominance on television was quite impossible to miss. 

"Talk Shows in the morning, Game Shows in the evening, countless Blockbuster Movies, Late-Night Showbiz Interviews, at may Weekend Showbiz Talk Show pa siya ha, to name a few. 

"On top of that, her endorsements rolled out one after another, cementing her as one of the most visible personalities of her time," ang pahayag pa ng impersonator ni Kris.

Inisa-isa rin niya kung magkano ang tax na ibinayad ni Kris sa gobyerno na mula raw mismo sa datos ng Bureau of Internal Revenue (BIR), mula 2008 hanggang 2015.

Sa kabuuan, nakapagbayad daw si Kris ng kabuuang P322,098,558.74 sa kanyang income tax. 

2008 – P25.4M (Top #8)

2010 – P32.3M (Top #17)

2011 – P49.87M (Top #1)

2014 – P54.53M (Top #6)

2015 – P61.74M (No Ranking Available)

Pagmamalaki pa ni Krissy sa kanyang idol, "The numbers speak for themselves. At her peak in the 2010s, no other celebrity came close to her level of visibility, influence, and workload.

"Even now, Kris Aquino remains in a league of her own. Her legacy as the "Queen of All Media" is still unmatched. Now, that's a fact!

"Imagine?! Pwede naman niyang dayain 'yan at hindi na lang i-declare, but she chose to pay the right amount. Grabe, the Madæm is Madæming… hahaha!"

The post Krissy Achino ibinandera binayarang tax ni Kris mula 2008-2015: P322-M!  appeared first on Bandera.


Krissy Achino ibinandera binayarang tax ni Kris mula 2008-2015: P322-M!  Krissy Achino ibinandera binayarang tax ni Kris mula 2008-2015: P322-M!  Reviewed by pinoyako on September 01, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close