BREAKING NEWS

Denise Laurel bumanat sa artistang pumapasok sa politika kahit walang alam

Denise Laurel bumanat sa artistang pumapasok sa politika kahit walang alam
Denise Laurel

MARAMING humanga sa katapangan at pagpapakatotoo ng aktres na si Denise Laurel nang mapag-usapan ang tungkol sa politika.

Pinuri ng mga netizen ang mga naging pahayag ng actress-singer patungkol sa pagtakbo ng mga kapwa niya artista sa iba't ibang posisyon sa gobyerno.

Sa mga hindi pa masyadong aware, si Denise ay hindi lang mula sa showbiz clan, siya rin ay great granddaughter ng dating presidente ng Pilipinas na si JosƩ P. Laurel.

Sa panayam ng broadcast journalist na si Karen Davila kay Denise para sa kanyang YouTube channel, ay natanong ang aktres kung hindi ba siya pine-pressure ng pamilya na pasukin na rin ang mundo ng politika.

Sey ni Denise, never  daw siyang nakialam o nakisawsaw sa politika, "I don't dabble in politics at all. You won't hear anything from me. 

"I just feel that artistas who didn't educate themselves on the government and laws should not be running," diretsahang sabi ni Denise.

"How are they going to help the country if they don't know even just the basis of the groundwork?"

"The love to help the people will always be there. But if you really, truly love your country and do something good for it, educate yourself first," dagdag pa ng singer-actress.

In fairness, halos lahat ng nagkomento sa naging pahayag ng aktres ay sinang-ayunan ng mga netizens. Sana raw ay maging wake up call na ito sa mga celebrity na kumakandidato kahit wala naman silang alam sa pinapasukan nilang mundo.

"Ganyang mindset ang pinupuri. This will the basis of them all. You have no seat in the politics if you dont have the basics."

"Naku po. Educated People mas Masahol magnakaw kapag nasa Gobyerno!!! Dahil wala silang pagmamahal sa kapwa at Bansa kasi."

"Educational background builds competence, but political will drives real change. Without political will, even the most brilliant mind is useless in governance."

"She's absolutely right..not just for 'artistas,' but Whoever wanted to be in public service..be educated and equipped yourself first and make sure that your motive is true…baka Mamaya eh mangngurakot lang din."

"Thank you for featuring one of the most authentic, very well bred, & loveliest young personalities in the Philippines. She sets the highest standard for Filipino children upbringing. So much respect to her Laurel family. The most honourable traditions & values. Her deep faith is clearly which guided this beautiful soul. Her talent is so underrated. Hope to see more of her."

"Ganyan ang mindset! Hindi yung sumikat ka lang, takbo ka kaagad because of your passion to help. You need proper education. Thats why i dont get it when, say, a doctor-turned-blogger runs for the Senate pero wala namang inihahaing legislative agenda and even knowledge of the law.. people like that are better off as resource persons for a PROPER senator. Hindi yung mag sesenador na lang because they want to blindly protect an idol. Ni proper debate nga ayaw mag engage."

"Change the read and write system ng old constitution"

"We cannot vote for the right people if the Constitution only requires that a candidate be literate. We must raise the standards. We must reform the Constitution. This is a systematic way to overhaul our country for the better."

The post Denise Laurel bumanat sa artistang pumapasok sa politika kahit walang alam appeared first on Bandera.


Denise Laurel bumanat sa artistang pumapasok sa politika kahit walang alam Denise Laurel bumanat sa artistang pumapasok sa politika kahit walang alam Reviewed by pinoyako on September 01, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close