Bato dela Rosa napanaginipan si Duterte; nagyakapan, nagkaiyakan

SIGURADONG naging emosyonal si Sen. Bato dela Rosa nang ibahagi niya sa publiko ang napanaginipan niya nitong nagdaang araw.
Sa pamamagitan ng kanyang official Facebook account, naikuwento ng senador at dating PNP chief na napanaginipan niya si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Bato, nagkaroon daw sila ng madamdaming reunion kung saan pareho raw silang naiyak ng dating presidente nang muling magkita."Last night I had a dream: Mayor Rody was granted house arrest. We had a tearful reunion.
"We hugged each other & he whispered to me 'Ronald, I'm okey now.'…..Lord, pls make my dream come true," ang mababasa sa FB post ng senador.
Ni-repost naman ng isa pang kaalyado ng mga Duterte na si Sen. Robin Padilla ang Facebook post ni Bato na naniniwalang darating din ang tamang panahon na makakauwi muli ang dating pangulo sa Pilipinas.
Kasalukuyan pa ring nakakulong si Duterte sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands para sa umano'y mga nagawa niyang "crimes against humanity" kaugnay ng "Oplan Tokhang."
Narito naman ang reaksyon ng mga FB followers ni Bato tungkol sa kanyang panaginip.
"Our prayers may grant him for his good deeds."
"Dreams do come true, fingers crossed!"
"We ask this in the name of Jesus Christ! Amen!"
"That could mean another way around Sen..but it's a sign na at peace na sya."
"Lets just hop have faith in Him. Manalig tau magtiwala sa Diyos pinaprocess na Nya ang lahat. Sya lng ang nakakaalam ng lahat. God is beautiful always always on time."
"Hoping and fervently praying your dream comes true Senator."
"Ronald Bato Dela Rosa SIR, FPRRD DESERVES HIS FREEDOM, WHO FOUGHT THE EVIL IN OUR SOCIETY FOR THE GOOD OF OUR COUNTRY AND THE FILIPINO PEOPLE. PLEASE MAKE YOUR DREAM COME TRUE."
"In Jesus mighty name,this dream will come true Sir Sen. duol nalang ang September 23 the day the Davaoeno's are waiting for. We claim this to happen."
The post Bato dela Rosa napanaginipan si Duterte; nagyakapan, nagkaiyakan appeared first on Bandera.

No comments: