BREAKING NEWS

Jinggoy Estrada: Sino talaga ang demonyong nagpasimuno nito

Jinggoy Estrada: Sino talaga ang demonyong nagpasimuno nito
Brice Hernandez at Jinggoy Estrada

KAKASUHAN ni Sen. Jinggoy Estrada si former Bulacan First District Assistant Engineer Brice Hernandez matapos siyang akusahan na nakatanggap ng kickback sa maanomalyang flood control projects.

Sa naganap na presscon ng senador ngayong araw, September 9, natanong ng media kung idedemanda ba niya ang dating engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

"Yes, sasampahan ko ng kaso 'yan. I will talk to my lawyers," diretsahang sagot ni Jinggoy na mariing itinanggi ang mga akusasyon ni Hernandez.

Sabi pa ng aktor at public servant, nais niyang may mga maparusahan sa  anomalya at korapsyon sa mga flood control projects sa bansa.

"Sana may makulong talaga. Gusto ko lang talagang malaman ang buong katotohanan at sino talaga ang main culprit at sino talaga ang demonyong nagpasimuno nito," ang pahayag pa ni Estrada.

Nauna nang naglabas ng statement si Sen. Jinggoy sa mga alegasyon ni Hernandez laban sa kanya sa ginanap na House Infrastructure Committee ngayong araw.

"I categorically and vehemently deny the claims made by Brice Hernandez. I challenge him. LET US TAKE A LIE DETECTOR TEST before the public para malaman ng lahat kung sino ang nagsasabi ng totoo. 

"Talk is cheap — handa akong patunayan na pawang mga kasinungalingan ang sinasabi nya tungkol sa akin," ang pahayag ni Sen. Jinggoy. 

The post Jinggoy Estrada: Sino talaga ang demonyong nagpasimuno nito appeared first on Bandera.


Jinggoy Estrada: Sino talaga ang demonyong nagpasimuno nito Jinggoy Estrada: Sino talaga ang demonyong nagpasimuno nito Reviewed by pinoyako on September 09, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close