BREAKING NEWS

‘Wild Boys’ nina Aljur at Vin kumuha ng inspirasyon sa Magic Mike, Step Up

'Wild Boys' nina Aljur at Vin kumuha ng inspirasyon sa Magic Mike, Step Up
Vin Abrenica, Aljur Abrenica at Carlos Morales

SHOWING na sa mga sinehan ngayon, August 13, ang pelikulang "Wild Boys" na idinirek ng hunk actor na si Carlos Morales mula sa Bright Ideas Productions.

Ang "Wild Boys" ay isang dance film inspired by international hits tulad ng "Magic Mike" at "Step Up" na matagal nang dream project ni Direk Carlos.

Ito'y pinagbibidahan ng magkapatid na sina Aljur Abrenica at Vin Abrenica kasama sina Martin Escudero, Kristofer Garcia, Nico Locco, Hashtag Jimboy Martin, Arwind Santos, Christian Ty, Billy James, Christian Singson, Rash Flores, at Pedro Red.

Ka-join naman sa supporting sina Rolando Inocencio, Cataleya Surio, Mariposa, CJ Garcia, Krista Miller, Ina Alegre, Atak Araña, Inday Garutay at Paul Alvarez.

Nagkaroon pa ng kontrobersya bago ipalabas ang movie ngayong araw dahil hindi umano sumasama sa promo sina Aljur at Vin na ikinasasama ng loob ng mga producer.  

Sa naganap na presscon ng pelikula kamakailan ay sinabi ng legal counsel ng Bright Ideas Productions na si Atty. Noel Atienza na posibleng kasuhan ang magkapatid ng breach of contract kung hindi sila tutulong sa promo.

Ayon naman sa management nina Aljur at Vin, miscommunication lang ang nangyari dahil hindi raw nila alam na Viva na ang distributor at magri-release ng pelikula.

Sabi naman ng producer at direktor ng "Wild Boys"na si Carlos Morales tungkol dito, "Hayaan na lang po nating si Atty. Atienza ang bahala magpaliwanag sa legalities.

"Sa parte naman namin bilang producer, ginawa na namin ang dapat naming gawin. Umaasa kami na matulungan din ng mga actors na ma-promote ang pelikula.

"Kasi hindi talaga biro ang maglabas ng pera para gumawa ng isang pelikula na sana ay makapag-ambag din sa industriya at makatulong din sa ibang artists na magkaroon ng trabaho," sabi ng aktor, direktor at producer.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang inilalabas na pahayag ang Bright Ideas kung tumutulong na sa promo ang magkapatid na Abrenica.

Samantala, sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni Carlos na matagal na niyang pangarap ang makagawa ng dance movie.

"Dati pa kasi 'to e. Kasi dancer ako, 'di ba? So, baby ko na 'to even before. "Nu'ng nagkaroon ako ng chance na gumawa ng script, binuo ko 'to together with some of my friends, back to collaboration of ideas," aniya.

Nilinaw naman niya na kumuha lang siya ng inspirasyon sa mga Hollywood movies pero naman iba ang atake ng kanilang pelikula.

"Hindi naman talaga gano'n na gano'n pero inspired by Magic Mike, Step Up, and Stomp the Yard. So hindi lang siya pa-sexy lang. Talagang total performance siya, dance movie talaga.

"Kasi wala pang dance movie sa atin masyado. So 'yun yung gusto kong i-present sa tao," aniya pa. 

The post 'Wild Boys' nina Aljur at Vin kumuha ng inspirasyon sa Magic Mike, Step Up appeared first on Bandera.


‘Wild Boys’ nina Aljur at Vin kumuha ng inspirasyon sa Magic Mike, Step Up ‘Wild Boys’ nina Aljur at Vin kumuha ng inspirasyon sa Magic Mike, Step Up Reviewed by pinoyako on August 13, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close