DepEd, DPWH, DOH Top 3 sa P6.793-T 2026 budget

MATAAS ng 7.4 porsiyento ang panukalang P6.793 trillion 2026 national budget kumpara sa pambansang pondo ngayon taon.
Ang Department of Education (DepEd) ang pinaglaanan ng pinakamalaking pondo na P928.5 bilyon.
Sumunod ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na may P881,3 bilyon at ikatlo ang Department of Health (DOH) na tatanggap ng P320 bilyon na alokasyon.
Ang Department of National Defense (DND) ang nasa ikaapat na pwesto sa tatanggapin na P299.3 bilyon at ikalima ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa tatanggapin na P287.5 bilyon.
Tatanggap ang Department of Agriculture ng P239.2 bilyon, P227 bilyon sa Department of Social Welfare and Development.
Nasa ikawalong puwesto ang Department of Transportation sa tatanggapin na P198.6 bilyon, kasunod ang hudikatura na mabibigyan ng P67.9 bilyon at ika-10 ang Department of Labor and Employment na bibigyan ng P55.2 bilyon.
The post DepEd, DPWH, DOH Top 3 sa P6.793-T 2026 budget appeared first on Bandera.

No comments: