BREAKING NEWS

Vice Ganda ipinagtanggol ni Claire Castro sa mga DDS: Wag balat-sibuyas! 

Vice Ganda ipinagtanggol ni Claire Castro sa mga DDS: Wag balat-sibuyas! 
Claire Castro, Rodrigo Duterte at Vice Ganda

IPINAGTANGGOL ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro si Phenomenal Box-office Star Vice Ganda sa kontrobersiyang kinasasangkutan nito ngayon.

Habang kinukuyog ng mga DDS ang TV host-comedian dahil sa pambabastos umano nito kat dating Pangulong Rodrigo Duterte sa "Super Divas" concert nila ni Regine Velasquez sa Araneta Coliseum, ipinagtanggol naman siya ni Castro.

Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni Castro na huwag maging "balat-sibuyas" o sensitive ang mga netizen, partikular na ang mga tagasuporta ni Duterte.

"Unang-una kasi, concert naman 'yon. Parang show naman 'yun. So, hindi kailangang maging balat-sibuyas ang sinuman," sey ni Castro.

Dagdag pa ng Palace Press Officer, sa dating Pangulo naman daw talaga nagmula ang tungkol sa jet ski issue noong nanunungkulan pa ito.

"Ito naman talaga ay nangyari. Nag-joke si dating Pangulong Duterte 'yung tungkol sa jet ski. Sinabi pa niya na ang naniwala sa kanya sa sinabi niyang sasakay siya sa jet ski para sa West Philippine Sea, sinabi niyang stupid," aniya pa.

Nagsimula ang isyu sa "Super Divas" concert habang kumakanta si Regine ng chorus ng kantang "Hold My Hand" ni Jess Glyne's (ang track ng viral TikTok background music na Jet 2 Holiday) nang biglang umentra si Vice sa stage at ginawa itong "Jetski Holiday."

"Nothing beats a jet ski holiday, right now from Manila to the West Philippine Sea via jet ski. Get unlimited water bombing from Chinese vessels and a free trip to The Hague by the ICC. 

"Promo applies to DDS only. Pinklawans and BBMs are prohibited. Huwag n'yo akong subukan, mga put*** ina n'yo!" hirit ni Vice, na inalamahan nga ng Duterte supporters.

Nanawagan ang mga DDS na parusahan ng persona non grata kay Vice sa Davao City kasabay ng pagboykot daw sa mga brand na ineendorso nito.

Sa panayam kay Vice President Sara Duterte, bahala na raw ang Davao City Council kung idedeklara nilang persona non grata si Vice.

"I haven't seen or read the jokes being referred to, but whatever the decision of the city council, it has to be a majority decision.

 "The council of Davao is the correct body to declare a person a persona non grata," saad ni VP Sara.

Kasunod nito, naglabas na ng resolusyon ang Davao City Council kung saan kinokondena nila ang ginawa ni Vice Ganda.

Habang isinusulat ito ay wala pang opisyal na pahayag ang TV host-comedian hinggil sa isyu. Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon ni Vice.

The post Vice Ganda ipinagtanggol ni Claire Castro sa mga DDS: Wag balat-sibuyas!  appeared first on Bandera.


Vice Ganda ipinagtanggol ni Claire Castro sa mga DDS: Wag balat-sibuyas!  Vice Ganda ipinagtanggol ni Claire Castro sa mga DDS: Wag balat-sibuyas!  Reviewed by pinoyako on August 13, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close