BREAKING NEWS

Paolo Contis, Nag-react na sa naging Engagement ng ex-girlfriend na si LJ Reyes



 Nagulat ang mga netizen sa ibinahagi ng aktres na si LJ Reyes sa kaniyang social media account.

Ipinost ni LJ nito lamang Martes, ang naganap sa engagement nila ng kaniyang non-showbiz fiance na si Philip Evangelista.


Inulan naman ng pagbati mula sa mga netizen at kapwa artista ang naganap na proposal.

Hindi naman nakaligtas si Paolo Contis, ex-live-in partner ni LJ, sa pangbubuska ng mga netizen.

"May lalaki nanaman [na] matino na sasalo sa pagka tatay mo.. may babae na naman masasalba sa sakit na dinulot mo,” komento ng isang netizen patungkol kay Paolo.


Maiksi ang naging pahayag ni Paolo Contis sa naganap na engagement ni LJ Reyes.

"Of course Im very happy for her. She deserves to be happy," maiksing tugon ni Paolo Contis sa kaniyang interview.


Matatandaan na naghiwalay sina Paolo at LJ noong 2021 bago nagtungo ang aktres sa US kasama ang anak nila na si Summer at si Aki, na anak naman ni LJ kay Paulo Avelino.

Source: Noypi Ako
Paolo Contis, Nag-react na sa naging Engagement ng ex-girlfriend na si LJ Reyes Paolo Contis, Nag-react na sa naging Engagement ng ex-girlfriend na si LJ Reyes Reviewed by pinoyako on May 31, 2023 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close