Jimmy Santos, Nangangalakal ng basyong bote at lata ng soda sa Canada
Sa latest vlog na in-upload ng komedyante at dating "Eat Bulaga" dabarkads na si Jimmy Santos sa kaniyang Youtube channel, ay ipinakita niya ang pagbebenta niya ng mga basyong bote at mga lata ng soda sa Canada.
Ipinakita rin ni Jimmy Santos kung paano ang sistema ng Canada sa pagrere-cycle ng kanilang basura.
Ang bagong video ni Jimmy Santos ay may pamagat na "Jimmy Saints nangalakal sa Canada"
Ipinakita rin ni Jimmy Santos kung paano ang sistema ng Canada sa pagrere-cycle ng kanilang basura.
Ang bagong video ni Jimmy Santos ay may pamagat na "Jimmy Saints nangalakal sa Canada"
Makikita sa kaniyang video na nagtutulak ang komedyanteng si Jimmy ng isang cart na may malaking plastic na puno ng mga lata ng soda, basyong bote at iba pang mga basura na pupwedeng i-recycle.
Ipinakita ni Jimmy ang recycling facility na South Pointe Bottle Depot sa Calgary, kung saan binibili ang mga basyong bote at lata.
Maayos at may proseso ang bottle depot na pinuntahan ni Jimmy Santos, hindi ito katulad ng mga junkshop sa Pilipinas na bentahan ng kahit anong basura na puwede pang mapakinabangan.
Matapos piliin at paghiwa-hiwalayin ang mga dalang kalakal ni Jimmy, may ibinigay sa kaniyang papel na naglalaman kung magkano ang halaga ng dala niyang mga bote at lata.
Nakatanggap si Jimmy ng mahigit 15 Canadian dollar o mahigit P600, ng na-scan sa isang tila ATM machine ang ibinigay sa kaniyang papel.
Ayon kay Jimmy, may 10 sentimong "deposito" ang bawat lata ng soda para maobliga ang mga tao na ibalik o ibenta ang lata kapag naubos na ang laman.
“Magbebenta ng mga lata rito, 'yung mga pinaglalagyan ng mga tubig, softdrinks. Talaga naman dinde-deposito nila dito, binebenta nila. May halaga po ito," ani ni Jimmy Santos.
Ipinasilip rin ni Jimmy sa kaniyang video ang pasilidad kung saan dinadala ang mga nakokolektang materyales na nabubulok.
Ipinahayag din ni Jimmy Santos ang kahalagahan ng recycling sa pangangalaga sa ating kalikasan.
Umani naman ng positibong komento mula sa mga netizen ang naging content ng komedyante sa kaniyang latest vlog at ang ginawa niyang pagbebenta ng mga kalakal sa Canada.
Source: Noypi Ako
Jimmy Santos, Nangangalakal ng basyong bote at lata ng soda sa Canada
Reviewed by pinoyako
on
May 25, 2023
Rating:
No comments: