BREAKING NEWS

Whamos Cruz at Antonette Gail, Bongga Ang Gender Reveal ! | Baby Meteor ''Its A Boy or Girl ?''



Inanunsyo ng sikat na vlogger couple ngayon na sina Whamos Cruz at Antonette Gail nito lamang Miyerkules, Oktober 26, ang gender ng kanilang magiging panganay na anak, sa ginanap nilang bonggang bongga ''Gender Reveal Party'', na dinaluhan naman ng kanilang mga pamilya, mga kaibigan at mga kasama sa industriya ng pagba vlog.



Naka-live rin sa Facebook ang ginawang gender reveal nila Antonette Gail at Whamos Cruz, kaya maraming mga netizen ang agad nag congratulate sa vlogger couple at excited silang malaman kung ano ang gender ng kanilang baby.


Kahit maulan ay natuloy pa rin ang kanilang pagsasaya. Matapos ang limang-minuto na fireworks display ay ipinakita na sa party ground ang malaking sign na "BOY."


Bago simulan ang gender reveal party, sinabi ni Whamos na Meteor ang ipapangalan nila sa baby anuman ang gender nito. Noon daw kasing ipinagdarasal niya na magka-baby sila ni Antonette ay may nakita siyang bulalakaw na gumuhit sa kalangitan.


Nagpasalamat din ang couple sa lahat ng nakibahagi sa kanilang gender reveal party gayundin sa mga netizen na excited din sa paglabas ng kanilang baby boy.


''ITS A BOY!!!!..Thank you po sa lahat ng pumunta, especially sa time and efforts. Thank you also sa gifts po ninyo. UNBOXING VIDEO SOON!!! Siguradong habang nasa tyan palang si BABY METEOR tuwang tuwa na siya Hoping for normal delivery for our BABY BOY!'' - caption ni Antonette Gail sa pagbabahagi ng mga litrato sa kanilang party.


Congratulations Whamos at Antonette !!

Source: Noypi Ako
Whamos Cruz at Antonette Gail, Bongga Ang Gender Reveal ! | Baby Meteor ''Its A Boy or Girl ?'' Whamos Cruz at Antonette Gail, Bongga Ang Gender Reveal ! | Baby Meteor ''Its A Boy or Girl ?'' Reviewed by pinoyako on October 27, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close