BREAKING NEWS

Tatlong Grab Riders, Nagtapos ng Kursong Criminology!



Marami ang sumaludo at humanga sa kasipagang taglay ng tatlong grab riders na sina Mark Lawrence Rance, Kendrick De Guzman, at Gilrex Servidad. Sila Mark, Kendrick at Gilrex ay magkakaklase at pare-parehong nagtatrabaho bilang mga delivery riders. Pare-pareho silang kumuha ng kursong BS Criminology at sabay-sabay nagtapos nitong Hulyo 30, 2022.


Ginawa umano nilang part time job ang pagdedeliver para makatulong sa kanilang pag-aaral. At sa wakas ay nagbunga rin ang kanilang pagsusumikap.



"Kahit anong baba ng tingin nila sa mga delivery rider, wag ka magpapaapekto, patunayan mo na may tinapos ka hindi ka habangbuhay na doon lang. Patunayan mo sa kanila na may patutunguhan ang buhay mo, kahit na nahihirapan man kami, hindi kami susuko, kasi para maabot namin yung mga pangarap namin," ani ni Gilrex.

Source: Noypi Ako
Tatlong Grab Riders, Nagtapos ng Kursong Criminology! Tatlong Grab Riders, Nagtapos ng Kursong Criminology! Reviewed by pinoyako on August 15, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close