Ogie Diaz is a Proud Dad to His Daughter's Achievements!
Sa isang post ay ibinahagi ni Ogie Diaz kung paano siya sa kanyang mga anak at kung gaano siya kaproud sa mga achievements ng mga ito.
"Sabi ni Godhie, ”Gusto kong magdoktor, daddy!”
“Kahit ano, anak. Basta kung saang kurso ka masaya, support lang kami ng mama mo.”
"Ganyan ako sa mga anak ko. Ang luma na kasi ng ‘yung magulang ang nasusunod kung ano ang kursong dapat kunin ng anak. At pwede nilang diktahan.
"Noon yon. Kasi di pa naman uso nung mga panahong yon ang social media at mental health issue.
"Pero ngayon, iba na. Dapat, nakikiramdam din ang magulang kung ano ang behaviour ng mga kabataan ngayon sa nakagisnan natin noon, nung mga bata pa tayo.
"Kung noong bata ka, nagmumukmok ka sa isang sulok, sisitahin ka ng nanay mo at sasabihing, “Anong minumukmok-mukmok mo diyan? Tumayo ka diyan, ang daming hugasin! Wag mo kong aartehan ng ganyan. Lumulusot ka lang sa gawaing bahay, eh!”
"Pero ngayon, pag nakita mo ang anak mo na nagmumukmok sa isang sulok o kaya umiiyak, napapraning ka na, eh.
“Anak, ano’ng problema? Bakit ka malungkot? Bakit ka umiiyak? Meron ka bang nakaalitan? Binully ka ba? Nade-depress ka ba? Me anxiety ka ba, anak? Halika, anak, andito ang daddy mo, ang mama mo, handang makinig sa yo.”
"Kaya yung panganay ko, nung nag-decide nung 2018 na tumigil sa Grade 11, pinatigil ko. Ako pa lumakad sa school para sabihin sa admin na mag-stop na si Erin. I told Erin, sige, pahinga muna siya and pag naisip na niya what will make her happy, yun ang gawin niya.
*Importante naman sa akin ang pag-aaral, eh. Pangarap nating makapagtapos ang mga anak natin. Kaya nga tayo kayod-marino eh.
"Pero mas importante sa akin ang mental health ng mga anak ko.
"Sasabihin ng iba, “Ang weird naman ni Ogie. Paano na ang future ng anak niya? Mali naman siya du’n.”
"Ah ganun ba? O eh di sige, mali na ako. Happy ka na? (O di ba, andaling kausap?! )
"Yung panganay ko ngayon, vlogger na, may youtube channel na — si Erin Diaz (subscribe naman kayo).
"Nahanap niya what makes her happy. At nung 2020, siya mismo ang nagsabi sa akin, “Daddy, pwede na akong bumalik sa Grade 11. Ready na ako.”
"Natuwa ako. Kasi hindi ko siya pinilit, eh. Pero may kondisyon na yon, sabi ko. Pag huminto siya uli ng pag-aaral, lahat ng naibayad ko sa school niya, ibabalik niya sa akin. Kukunin kong lahat sa savings niya. Pero pag nagtuloy-tuloy siya, eh di congratulations!
"Si Godhie, studious na bata. Kahit may sakit, papasok sa school. Adïk sa pag-aaral. Kasi nga, happiness niyang mag-aral.
"At eto nga, o! Umakyat pa kami ng mama niya sa stage dahil “with honors” pa siya. Ako ang nagsabit ng medal sa kanya, naaliw ako. Hahaha! Sobrang proud daddy and mama lang yarn.
"Gusto niyang maging doktor someday, kaya premed niya ang medtech. Kaya ngayon pa lang, kine-claim ko nang may future doctor na ako. Kasabay nang pagiging open-minded kung sakaling magbago ang kanyang isip.
"At si Erin naman, ga-graduate na rin ng senior high sa August naman! At gusto niyang mag-culinary arts.
"O, di ba? Bongga? Kahit yung 12yo ko, si Cory, graduate naman ng Grade 6. Kahit walang honors, okay lang. Basta lagi kong bilin sa kanila, kahit puro palakol pa ang grades nila, basta wag lang silang babagsak at babalik uli sa Grade 6.
"Actually nga, lagi ko silang tinatanong lahat kung gusto o ayaw na nilang mag-aral, eh. Sabi ko, ok lang sa akin kung ayaw na nila, eh. Basta isoli lang nila lahat sa akin ang mga gadgets nila. So far, ayaw nilang isoli, kaya nag-aaral sila. Hahaha!
"But seriously, ang mga anak ko, alam nilang high school grad lang ang daddy nila. Pero lagi kong sinasabi sa kanila, “Ang tunay na laban ng buhay ay wala sa loob ng eskwelahan. Nasa labas.”

Source: Noypi Ako
Ogie Diaz is a Proud Dad to His Daughter's Achievements!
Reviewed by pinoyako
on
June 21, 2022
Rating:
No comments: