BREAKING NEWS

Ngayong Araw ang Unang Anibersaryo ng Kamatåyan ni dating Pangulong Noynoy Aquino



Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III o mas kilala bilang Noynoy Aquino o PNoy ay dating nagserbisyo sa bansang Pilipinas bilang ika-15 Pangulo mula 2010 hanggang 2016. Siya ay ipinanganak noong Pebrero 8, 1960 at binawian ng buhay noong Hunyo 24, 2021. Siya ay anak nina Benigno Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon Aquino.




Siya ay may apat na kapatid, sina Maria "Ballsy" Elena, Aurora "Pinky" Corazon, Victoria "Viel" Elisa at Kristina "Kris" Bernadette.

Si PNoy ay binawian ng buhay sa edad na 61. Binawian siya ng buhay dahil sa renal disease secondary to diabetes. Ngayon araw ng Biyernes, Hunyo 24, 2022, ang unang anibersaryo ng kamatåyan ni PNoy. Ang misa ay ginanap sa Church of the Gesu sa Ateneo de Manila University sa Quezon City.





Nakiisa sa misa sina Vice President Leni Robredo, Sen. Kiko Pangilinan, Franklin Drilon at former Interior Sec. Mar Roxas.

Source: Noypi Ako
Ngayong Araw ang Unang Anibersaryo ng Kamatåyan ni dating Pangulong Noynoy Aquino Ngayong Araw ang Unang Anibersaryo ng Kamatåyan ni dating Pangulong Noynoy Aquino Reviewed by pinoyako on June 24, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close