BREAKING NEWS

Good Samaritan, Pinakain ang Mag-asawang Dalawang Araw Nang Hindi Kumakain!



Kahit anumang hirap ang pinagdadaanan natin sa buhay ay piliin nating maging mabuting tao. Ito ang pinatunayan ng isang good samaritan na kinilalang si Royce Albert Villaruel Grey. Ibinahagi niya sa kanyang facebook account ang nakakatuwang larawan kasama ang mag-asawang kumakain sa isang fastfood restaurant.




Kuwento ni Royce, nadaanan niya ang mag-asawa sa kalsada na nag-uusap at tila umiiyak dahil hindi pa sila nakakain sa loob ng dalawang araw. Labis siyang naåwa sa mag-asawa kung kaya't kahit na maliit na pera na lang ang natitïra sa kanyang pitaka ay pinili niyang maging mabuti at pinakain ang mag-asawa. Hindi umano niya natiis ang nakita niya kaya minabuti niyang dalhin ang mag-asawa sa pinamalalapit na kainan.





Nagpapasalamat rin siya sa Security Guard ng nasabing fastfood restaurant dahil pinayagan niyang papasukin sa loob ang mag-asawa.

Masayang masaya si Royce na natulungan niya ang dalawa at masaya din naman ang mag-asawa dahil nakakain na sila. "Priceless ang saya nila sa mukha," ani ni Royce.

Source: Noypi Ako
Good Samaritan, Pinakain ang Mag-asawang Dalawang Araw Nang Hindi Kumakain! Good Samaritan, Pinakain ang Mag-asawang Dalawang Araw Nang Hindi Kumakain! Reviewed by pinoyako on June 01, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close